Mcsearch tayo

Saturday, June 29, 2019

Ano ang 13th month, Separation at Back Pay?


Ano ba ang pagkakaiba ng 13th month pay, back pay at separation pay?


Maraming dahilan kung bakit umaalis ang mga empleyado sa isang kumpanyang kanyang pinapasukan. Ilan sa mga ito ay ang kakulangan sa pagpapasahod, lokasyon ng pinagtatrabahuan, pangit na Management, at ang kakulangan sa pagpapahalaga sa empleyado o Career growth.

*Ang 13th month pay

Ang 13th month pay ay isang anyo ng benepisyong salapi na katumbas ng buwanang batayang sahod (basic pay) na natatanggap ng isang empleyado. Kinokompyut ito nang pro-rata ayon sa bilang ng buwan na nanilbihan ang empleyado sa kumpanya nito sa loob ng isang taong-kalendaryo.

Ang 13th month pay ay mandatory na nakasaad sa batas (Presidential Decree No. 851). Sinasabi dito na: All rank and file employees, regardless of their employment status, and who have worked for at least one (1) month in the company are entitled to receive a 13th month pay.

     Kumpyutasyon:
     
   Buwanang batayang sahod: P24,000
1 taon sa trabaho: P24,000 x 12 buwan 
= P288,000/12 = P24,000 (13th month pay)
<1 taon sa trabaho: P24,000 x 7 buwan = P168,000/12 = P14,000 (13th month pay)

*Ano ang Backpay?
Matapos makapag resign, isa sa makukuha mo ay ang backpay. Tipikal na nakukuha ito matapos ang isang buwan mula sa huling araw ng iyong resignation at matapos ang lahat ng dokumento na kailangan ng HR. Ang Backpay ay Hindi Law Mandated  ibig sabihin, hindi lahat ng kumpanya ay nagbibigay nito. Mas mabuting tanungin ang in yong HR dito.
Sa pagkuha ng back pay, kailangan muna nating maintindihan kung ano ano ang mga nakalakip dito. Bakit? Itoy para malaman natin paano ba nakukuha ang mga halaga na ating matatanggap mula sa ating dating employer. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat nating malaman:
  1. Huling sweldo – may pagkakataong i HOLD ang inyong huling sweldo matapos kayo makapag resign at isabay sa inyong backpay! Kailangan na alam mo kung magkano ito.
  2. 13th month pay – kailangang nakakuha ka ng pro-rated 13th month pay kung ikay nag resigned bago ang pagtatapos ng taon.
  3. Tax refund – kailangang makakuha ka din ng iyong tax refund kung ang iyong tax ay mas kaunti sa total amount ng iyong withholding taxes at estimated taxes.
  4. Vacation leave conversion (kung convertible cash)
  5. Sick leave conversion (kung convertible to cash)
  6. Deductions and/or liabilities (bayad sa loans o lost/damaged office equipment)

*Separation Pay

Madami sa nag resigned na empleyado ay nag iisip na entitled sila sa SEPARATION PAY. Ngunit, ang separation pay ay ibinibigay lamang sa mga empleyadong sapilitang pinagresign sa trabaho. ItoyIsa mga kadahilanang ang iyong pinagtatrabahuan ay nagsara nang tuluyan, retirement at pagbabawas ng empleyado ng walang dahilan. Ngunit d kagaya ng Backpay, ang Separation Pay ay nakamandato sa mga Local na pamahalaan bilang bahagi ng Philippine Labor Code. 

Pwedeng bisitahin ang tanggapan ng Dole sa
https://www.dole.gov.ph
Naway nagkaroon ng kaliwanagan ang bbawat isa sa inyo.

Monday, June 24, 2019

Ronald Mcdonald Sa Bahay ni Jollibee!

Si Jollibee ay isa sa mga nangungunang fast food restaurant sa bansa. Matinding kalaban nito ay si Mcdonalds na isa naman sa world leading restaurant. Ngunit pag dating sa food at quality nito ay halos pantay ang dalawa. Nagkakatalo lamang ito sa mamagiging Service at environment.

Bawat isa ay may pagkakakinlanlan upang tumatak ito sa mga costumers. Isa na dito ay ang mascots o Characters.

Isa sa mga Youtube blogger na tampok natin ay ang Tinatawag na "Tukomi" na pinangungunahan ng magkakapatid na sina Hiroshi, Lester at Oliver. Ang kanilang youtube youtube channel ay meron ng mahigit 2 millions subscribers.

Akalain mong naisip nilang papuntahin si Mcdo kay jollibee? Watch there videos in Youtube: https://youtu.be/OqMvBXyLtC0




Mcdonalds Animated series

Japan, as the land of anime series and characters, never failed to amaze everyone with every creations.

Who would expect that the Mcdonalds will have an animated Series! In there commercial made in anime, it tells how every crew of McDonald's starts from nothing to a regular worker.

Check out this Commercial.
https://youtu.be/YVb-TFKYt6M

How about you? How did you start working as crew? Comment below!




Wednesday, May 29, 2019

Fall in Line!

#Longlines


The Long wait is over πŸ™πŸ˜‡πŸ˜­πŸ˜­

-Working Student from the word it's self mahirap na agad. Totoo sobrang hirap pag sabayin ang aral at trabaho :(
Aminado ako , di ko napag tuunan ng pansin ang pag aaral ko dahil nga nag tatrabaho ako tama na sakin yung may maipasa akong projects, assignments makapasok ng ilang araw sa isang buwan,di ko pinriority yung study ko mas priority ko ang trabaho. Kailangan ko eh, kung di ako mag tatrabaho di ako makakapag aral. Naiinggit nga ako sa mga kagaya kong working student na priority pa rin nila yung study nila.Ako kasi hindi eh mas pipiliin kong pumasok/mag serve sa customer kesa sumali sa activities sa school. Minsan mas pipiliin kong dumuty kesa pumasok sa klase, wala eh mas nag eenjoy ako sa trabaho kesa mag aral. Alam kong Mali, pero di ko Pa rin naman pinabayaan yung pag aaral ko.Minsan may nagsasabi sakin pag papasok na ko sa school, "Mag aral ka ng mabuti" sagot ko "Aral lang wala ng mabuti" *sabay ngite :) *
Di ko din kasi talaga gusto yung course ko :( Education talaga gusto ko. Gusto kong matawag na Ma'am Pey ng mga studyante. Late ko na din nalaman na pwede pa lang mag shift ng course, sayang sobrang sayang. Sobrang panghihinayang yung naramdaman ko. Pero sabi nga diba? Lahat ng nangyayare sa buhay natin ay Plano ng Diyos. Siguro kung nakapasa ko sa Education, aral na aral din ako. Kasi gusto ko yung course na inaaral ko. Hindi siguro ko makakarinig ng mga salitang "aral aral ka pa hihinto ka din naman" "ilang buwan ka lang papasok titigil ka ulit" "nag aaral ka ba talaga ? niloloko mo lang sarili mo eh" joke man yan para sa kanila, sakin sobrang sakit nyan :( di ko lang pinapahalata sa kanila. Sabi ko sa sarili ko imbis na patulan sila, bakit hindi ko na lang patunayan sa kanila na mali sila? Oo hindi ako pala aral na studyante pero atleast proud akong sabihin na wala akong GRADE na TRES 🀷‍♀️πŸ˜‹ hahaha kala nyo huh! πŸ˜‚

-LOVE KO TO tag line ng Company kung San ako nag tatrabaho.
--totoo nga Love ko to nga talaga, 16 years old ako ng maging part ng McDonald's Family and now I'm twenteen one πŸ˜‚and still working in the same company for almost five years πŸ€—Akala ko nung una kapag nakapag trabaho ka sa kahit anong fast food chain ang social mo na. Mali pala ko. Kasi don ko naranasan na maliitin, pag malditahan taray-tarayan ng mga customer :( nakakainis lang minsan, kahit alam mo sa sarili mong tama ka, ikaw pa rin yung magpapakumbaba wala eh customer sila eh. Di naman sa lahat ng oras tama sila diba? Sana pwede din naming ipagtanggol yung sarili namin lalo na pag sobra na sila πŸ™„

-Thank you lang sagot
--Kahit pinagalitan ka na THANK YOU lang ang sagot.
--Inutusan ka na ikaw pa mag te-THANK YOU πŸ˜‚
Wala kang ibang pwedeng isagot kundi THANK YOU! πŸ’“πŸ˜‡

-FROM SERVICE CREW TO LOCAL STORE MARKETING/GUEST EXPERIENCE LEADER
--nag simula ako sa McDonald's as a service crew. Lobby person, fry person, Dessert Center Person/Take out Counter Person, Counter Person, McDelivery Service Person (MDS).
Naranasan kong mag Buss ng tables, mag trash out from lobby 2 ibaba ko sa Lobby 1 tapos dadalhin sa Coral, after ko maging lobby person naging Fry person ako. Mahirap din tong station na to for me dati eh grabe bawal ka ma down sa fries. Tapos daming utos pa ng kitchen. Naging DC person ako, ang tagal ko sa station na to, naiinip na ko gusto ko na mag counter. Ayokong mag stay sa ganong station gusto ko matuto sa counter kaya pag out na ko as a DC person pinapanood ko talaga yung mga senior na crew dati kung pano sila mag take ng order and kung pano sila mag punch sa POS, tapos tanong tanong lang ako sa kanila tapos try try mag punch hanggang sa pinaplot na ko sa counter. Ang hirap pala wait ayoko na sabi ko sa sarili ko. Minsan kasi napapagalitan. ako kasi yung dine in ginagawa kong take out and vice versa. Kaya everytime na mag ccounter ako, mag iin Pa lang ako nag so sorry na ko sa mga kitchen "ate kuya sorry counter po ako ngayon sorry po baka mali mali na naman po ako" tapos tatawa na lang sila πŸ˜‚πŸ˜‚ oyy parang masaya sa MDS ah. Syempre dahil pabida ko gusto ko din mag MDS so umepal na naman ako nood nood na naman tapos pa try try kung pano mag acknowledge mag receive mag rider out mag rider back hanggang sa natuto and ayon pinaplot na ko sa MDS ang saya ko non achievement sakin yon eh πŸ’“ ang saya ng buhay Service crew ko lalo na kapag ka shift ko yung mga tropa ko sa store dati. Sobrang ingay pag kami kami mag kakashift. Minsan ayaw na nila kami pagsamasamahin sa shift kasi puro kwentuhan lang daw kahit nag te-take na ng order ng customer hahaha wala eh masaya kami eh. Syempre di lang puro saya naranasan ko sa store. Narasan ko din ma complain pero di write us huh! Hihi. Mataray daw kasi ako, lagi akong inaaway ng mga senior πŸ˜”πŸ™„ . Narasan ko din ma short πŸ˜” yung tipong pa resign ka na kasi last na mateterminate ka na. Buti na lang niligtas ako ng FRM sa store namin. At isa sya ang dahilan kung bakit nasa store pa rin ako. Hi Sir Markie :* :) . Promoted ako as LSM. Nung Una ayaw ko talaga nag back out nga ako non eh after training, di ko pala kaya sabi ko sa kanila. Pero wala para siguro talaga ko sa LSM position. Lumipas ang panahon, natutunan kong mahalin ang pagiging LSM ko, inenjoy ko. Dito ko naranasan maging teacher,ang sarap sa feeling pag tinatawag akong Teacher Pey, Maam Pey feeling ko natupad na ang pangarap kong maging teacher dahil sa Kiddie Crew Workshop πŸ€—πŸ€—Sa LSM Dito lang din kasi ako napansin, sabihin na lang natin na dito ko nag shine dito ko nakilala. Dito talaga ko nahubog eh. Dito umangat yung pangalan ko dito ko nakilala ng mga BOSSes. Dito ko naranasan maipagmalaki ng mga naging FRM and RM ko, dito bumango yung pangalan ko sa pamamagitan ng mga commendations ko, mga naiambag kong sales sa store *meron naman po diba? * hihi Dito ko naranasan kumilos ng mag isa lalo na pag naka leave ang frm ko and di nakakapasok ang Co - LSM ko, dito ko din naranasan makatanggap ng mga negative na salita hihi kasama naman siguro talaga yon . Basta alam ko sa sarili kong may naitulong ako sa store ma-appreciate man nila o hindi 😊
Mahiyain talaga ko, mababa ang self esteem ko promise. Pero simula ng mag LSM ako jusko nasobrahan naman ata sa kapal ng mukha hahaha. Dito ko rin naranasan sumali sa cheerdance, sumayaw sa ibang store pag may activity ang mga store, syempre proud na proud akong makasali sa VIDEO SHOOT ng Kiddie Crew for Kiddie Crew Dance Craze 2019 hellooow! Feeling ko sikat na ko hahaha buong McDonald's PH ba naman makakapanood non πŸ€—πŸ€— hahaha ang saya ang sarap sa pakiramdam πŸ˜‡

-wala kasi kaming Creative shots eh
--buti na lang sinuoot ko yung LSM uniform ko nung grad pictorial namin and may M logo akong pin πŸ€—

-Kailanman di ko kinahiya na nagtatrabaho ako sa McDonald's never kong naisip yon. Super proud akong naging part ako ng McD Family. Kahit hindi puro saya ang nararansan ko. Ganon naman talaga siguro, sa lahat naman siguro ng work πŸ˜‰ .

-Ang sarap sa feeling pag may mga ka work akong nagsasabi sakin na "ang galing mo naman ate" "uyy pey ano walang uwian ?" "Hala kanina ka Pa dito ah" "ano dito ka na titira? " "wooow ang galing mo talaga" "ang sipag mo talaga" "congrats deserved mo yan" pero sabi ko nga di ako perpektong employee 😊 masipag lang siguro talaga ko pero di ako magaling. Bonus na lang talaga ang mapansin ako, ma write us dahil may commendations. Masali sa Best of the best. Bonus na lang yan for me dahil for me ito ang totoong ACHIEVEMENT ko sa buhay ang makapag tapos sa pag aaral.

-Hi HR graduate na po ako hihi baka naman? πŸ˜‚πŸ˜‚ joke. Di ko na inaasahan bahala na kung anong magiging kapalaran ko after this hahaha. Pero kung para sakin pa rin talaga yan push lang πŸ˜‡ kung hindi hanap ng iba πŸ˜‡πŸ˜

-ALL OF MY HARD WORK AND SACRIFICES are finally Paid off!
-totoo na sya! 😭 totoong totoo na. Ang sarap sa pakiramdam. Yeheeey! Tapos na ko mag aral. Tapos na ang pag hihirap ko. Ayy tapos na ba talaga? Or mag start Pa lang akong harapin ang tunay na buhay? Hahaha Good Luck self! πŸ˜‚

*Lahat ng paghihirap, sacrifices may magandang kapalit yan tiwala lang kay Lord πŸ™ hindi ka nya bibiguin.
Maging matiyaga at matiisin lang tayo magbubunga yon ng maganda promise.
Hindi sagot ang pagsuko lalo ka lang mahihirapan pag sumuko ka.
Naabot ko to, kasi naging matapang ako. Tinatagan ko ang loob ko hindi lang kasi ko nangarap para sa sarili ko nangarap ako para sa family ko.
Huwag na huwag kang makukuntento na nasa baba ka lang, hangadin mo din umangat sa buhay ng wala kang tinatapakang tao, libre lang mangarap, mangarap ka ng mangarap basta sasamahan mo ng dasal, sipag at tiyaga and in that way maabot mo lahat ng pangarap mo πŸ™πŸ˜‡ syempre pag naabot mo na ang pangarap mo huwag na huwag mong kakalimutan si Lord that's the no. 1rule. Huwag ka din makakalimot sa kung san  ka nag mula , always put your feet on the ground at huwag kang mangtatapak ng ibang tao para lang umangat sa buhay mali yon πŸ˜‰ just a piece of advice πŸ€—πŸ˜‡

-Syempre di matatapos to ng di ako nagpapasalamat sa lahat ng naging part nitong journey ko!  πŸ’“

-Una kong pasasalamat syempre ang Panginoon, kung hindi dahil sayo Lord wala ako dito ngayon. Kung hindi mo ko ginabayan sa lahat ng pagsubok ko sa buhay di ko mararating to. So much appreciated Lord, hindi ako perfect na tao pero lagi ka parin nandito para tulungan ako at gabayan πŸ˜‡ iba ka talaga Lord. Thank you so much Lord, I Love you 😘 Ikaw lang ang sasambahin ko wala ng iba πŸ™πŸ˜‡

-To my nanay, papa and sa mga kapatid ko
--nay, happy mother's day ito muna regalo ko huh! Wala pa kong pera eh haha. Nay, Pa may Degree Holder na kayong anak πŸ˜‡πŸ™ thank you sa lahat ng sacrifice nyo it's Pay back time. Ayy mag travel travel muna pala ko hahaha joke. Sa mga kapatid ko, gayahin nyo ko huh! Maganda na Degree Holder Pa haha char. Basta mag tapos din kayo please para mabigyan na natin ng bahay sina mother and father πŸ’“πŸ€— yun lang naman ang hiling nila satin eh. Ilove you all. Makakaahon din tayo tiwala lang and have faith with Him lang πŸ™πŸ™πŸ˜‡ Kapit lang kaya natin to πŸ™

-Sa mga co-LSM/Gel mga naging manager, frm at sa mga katrabaho ko
-- Thank you guys πŸ’“ salamat sa pag intindi sa ugali ko hahaha esp sa LSM Team, sa Frm ko πŸ˜‚ di nga kasi ako perfect eh sorry na. Di ko deserved maging OIC talaga eh haha sorry ✌✌ Sa mga manager sorry sa biglaang Pa EA, AWOL sorry lagi akong Late haha. Nakakahiya hayaan nyo simula ngayon di na ko mahihiya πŸ˜‚πŸ˜‚ charot. Sa mga ka crew kong working student din galingan nyo pa huwag kayong susuko kayo nyan! Makakaraos din kayo 😘
-Sa mga naging RM kong proud sakin miss ko na po kayo! Salamat sa tulong po lalo na sa ****** ko hihi πŸ™ salamat sa word of wisdom nyo po πŸ’“πŸ˜˜ Salamat sa walang sawang support sakin πŸ€—πŸ’“πŸ˜˜

-Sa mga classmates and prof ko
--Thank you po Maam and Sir kahit minsan lang akong pumasok hahaha. Thank you po di nyo ko binagsak πŸ™πŸ™πŸ˜‡πŸ˜‡ salamat po sa pag intindi sakin. Sa mga classmates ko salamat sa pag update sakin twing absent ako hahaha.

-Sa mga nautangan ko πŸ˜‚
--Hi! Pautang po ulit char. Hahaha salamat sa inyo malaking tulong kayo sakin. Kinakapos lang talaga hehe sorry. Pautangin nyo Pa rin ako huh!  Hayaan nyo pag dating ng panahon mapapautang ko din kayo hahaha πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ€—

God Bless You All πŸ’“πŸ˜‡πŸ™
-To myself πŸ’“
--pwede ko naman sigurong pasalamatan ang sarili ko no? Haha. Hi self, congrats kinaya mong makapag tapos. Gusto ko lang sabihin sayo na ang galing galing mo. Bilib na bilib ako sayo ,lahat ng dumating na challenges sa buhay mo kinaya mong harapin kahit sobrang sukong suko ka na. I love you! Maging matatag ka pa huh kayanin mo pa lahat ng darating pang challenges sa buhay mo. Kaya mo yan! At kakayanin mo yan. Mag travel ka na, ayy ipon ka muna tapos travel , bili ka din ng bago mong clothes deserved mo yon, deserved mo ding mag unwind. Pwede ka na mag unwind self! πŸ’“ pero ipon ka nga muna haha. Proud na proud ako sayo SELF. πŸ€—πŸ’“πŸ˜‡πŸ™ You did it! πŸ‘πŸ‘πŸ’“πŸ˜˜

PS : Sorry sobrang haba. ✌ salamat sa mag babasa πŸ’“πŸ˜˜

"Commit to the Lord whatever you do, and your plans will succeed"
     Proverbs 16:3
-To God be all the glory! πŸ˜‡πŸ™

Kung nakaya ko, I'm pretty sure na mas kakayanin nyo din PRAY LANG πŸ˜‡πŸ™

Abrogina, Jeniffer V.
BS-Office Administration
SY : 2018-2019
Metro Business College
Cum Laude sana kung nag aral ng mabuti πŸ˜‚πŸ˜‚

Abrogina, Pey V.
Local Store Marketing Representative
McDonald's Airport Road
Best LSM Month of July 2016
Best Birthday Party Coordinator Month of September 2017
Best Lsm Month of October 2017
Best Birthday Party Host Month of October 2017
Best Family Fun Day Host Month of October 2017
Highest Sales Contributor Month of October 2017
Best Birthday Party Coordinator Month of November 2017
Highest Sales Contributor Month of November 2017
Highest Sales Contributor Month of December 2017
Best Lsm Month of December 2017
Crew of the Month (December 2017)
Best Performing  LSM of the Year 2017 (with McDonald's medalπŸ…)
Best birthday party coordinator Month of January 2018
Best LSM month of February 2018
Best Lsm month of April 2018
Best Lsm month of May 2018
Best Lsm month of June 2018
CREW OF THE MONTH (JUNE 2018)
4 consecutive commendations in just 1 month (June 2018)
Best Lsm month of July 2018
Best Lsm month of September 2018
HIGHEST BIRTHDAY PARTY SALES CONTRIBUTOR MID YEAR 2018
HIGHETS LARGE FOOD ORDER CONTRIBUTOR MID YEAR 2018
Commendations month of April 2019

One philosopher said : McDo is Lifer - Pey Abrogina πŸ’“πŸ˜‚
Sabi ko sainyo eh mas magaling ako pagdating sa work πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Rise with the Fries

*Rise with the Fries*



“Laging Bangag, pero gragraduate <3 ”
    May this testimony inspire those students that are attempting to give up at this point, or for those who already gave up their dreams, especially for those who are working students like me. 
Nagtapos ako ng highschool  ng walang kasiguraduhan  kung makakapagcollege ako. But with the grace of the Lord may mga nakuha tayong scholarship.  Nakapag aral ako ng college sa isang school, principal scholar, 100% free ang tuition, sobrang grateful ako kasi yung marketing staff na mismo ang lumapit sa school para ioffer yung scholarship nay un. May qualifications pero pinalad akong makasama sa mga qualified na yun, but then again marami pang  ibang qualified and iisa lang ang available slot, until nagparaya yung iba, dalawa nalang kaming natirang ayaw bitiwan yung opportunity na yun, our advisor decided to have a draw lots, ang makakuha ng may drawing na star siya ang makakakuha ng scholarship. Alam ko at that moment na once na hindi ko nakuha yun malaki yung chance na di ako makakapag college… nung nagkabunutan na, sabi nila ang swerte ko daw kasi ako ang nakakuha ng may star which means ako ang makakkuha nung principal scholarship, but I consider it no luck nor coincidence, it is a BLESSING, it is the Lord’s plan.
    To cut the story short, with the grace of the Lord nakapagcollege ako. Dito ko naranasan lahat ng sakit when it terms of academic, I am not bragging this pero nung elementary kasi consistent honor student po tayo and grumaduate tayo ng Salutatorian, at nung highschool po ay galing tayong Special Science class (I am telling this para maintindihan nyo yung sakit nung pagbagsak ko) pagtapak ko ng college dun ko naranasan bumagsak sa tests ng super sagad na bagsak, nagkaron ako ng score na 10/80, 2/50, 26/100. Just imagine kung gano ako kahirap nag cope up sa mg scores nay an, dun ko narealize di ko pala talaga alam yung kurso na pinasok ko (So shout out sa mga magcocollege palang din, make sure alam niyo kung ano yung pinapasok nyong kurso, and it is very important na mahal niyo yung kukunin nyong kurso, or else…) Pero shempre uso naman satin ang salitang “BABAWI AKO”. Shempre lalaban parin diba? Hindi pwede yung sususko tayo agad. Babagsak pero tatayo ulit. Madadapa pero magpapatuloy. 
    Pero dumating ako sa point na sabay sabay na major subjects ang naibagsak ko, take note SUBJECTS na mismo hindi lang quizzes or exams. Masakit pa sa break up (kahit di ko alam kung anong feeling nun) pero dude sobrang sakit. Mapapatanong ka nalang kung “Para sakin ba to?” “Tama pa ba tong pinapasok ko?” “Ipaglalaban ko pa ba?”.
Gasgas man na linya pero, everything happens for a reason. Sometimes God will allow us to experience the pain in order for us to be stronger.
At dumating sa punto na nawala na scholarship ko, sabi ko kay Lord, “Lord hindi ko naiintindihan. Alam kong binigay niyo tong scholarship na to pero bakit mawawala? Bakit parang binabawi niyo na?” ,  Iyak ako ng iyak kay Lord, tanong ako ng tanong bakit ganto? Pano na ako?. At that moment hindi ko na alam kung pano ako makakapagpatuloy sa pag aaral knowing na wala na yung scholarship ko.
    Minsan dumarating sa point na merong mawawala satin, merong babawiin, pero hey take heart kasi diba pag may mawawala may papalit? Baka kaya kinuha sayo Ni Lord kasi may ipapalit siyang greater oppoprtunity? Parang sa flashdrive, kelangan may madelete para magkasya yung mas malaking file.
    Nawala yung scholarship ko but God gave me a greater opportunity. Binigay Niya sakin ang opportunity na makapag work habang nag aaral. Pero kelangan kong magtransfer ng school, siguro mas masakit to sa mga pagbagsak ko sa quizzes, sa exams at sa mga subjects ko. Pinangarap ko kasi talaga na makagraduate sa school na yun, at andun na yung mga tinuring kong bestfriends ko na para ko na ring mga naging kapatid, dun ko rin natagpuan yung sense of belonging. Sobrang sakit knowing na alam mong napg iwanan ka nanga academically yet kelangan mo pang iwan yung school and most importantly yung mga bestfriends mo. Feeling ko nawala lahat sakin, walang wala na akong self confidence, ang nasa utak ko I am a failure, at feeling ko wala na akong dereksyon sa buhay.
But then again di ako pinabayaan Ni Lord. Minsan kasi may mga bagay Siyang kukunin satin, or mawawala halos lahat satin para dumepende tayo sakanya. Minsan kailangan natin igive up yung sarili nating pangarap kasi mas greater yung linaan Niyang pangarap para satin, hindi masusunod yung plano natin  kasi the Lord’s plan will always be the best for us. Sabi nga sa JEREMIAH 29:11 “FOR I KNOW THE PLANS I HAVE FOR YOU, PLANS TO PROSPER YOU AND NOT TO HARM YOU, PLANS TO GIVE YOU HOPE AND A FUTURE.”
I became a service crew at Mcdonalds Tapuac at nagtransfer din ako ng school para mas mamanage ko yung time ko . My last two years on college is the hardest part, but indeed the best part of my college life because I saw myself growing as an individual. Yun pala yung gusto Ni Lord, na hindi lang ako mag grow sa academics pero mag grow ako wholly.
Mahirap pagsabayin ang pag aaral at pagtratrabaho. Aral sa umaga, kayod sa gabi. Kelangan maayos ang time management or else masasacrifice talaga yung pag aaral mo. Ang maximum na tulog ko is 4 to 5 hrs, max na yun, may times na  2hrs lang, Papasok ng alas syete sa school gang hapon, tapos duduty ng gabi hanggang more or less 1 AM, makaka uwi 2 AM na, mga ganong bagay. May times pa na exam pero di ka makakapagreview ng maayos kasi nakaduty ka, natry kong magmemorize ng pneumonic habang nagre-gravy. Minsan hindi maiiwasan na matutulala ka habang nasa work kasi iniisip mo yung sabay sabay na test niyo kinabukasan. May times na mashoshort ka pa, deretso salary deduct, may times na mumurahin ka pa ng ibang matapobreng customer, magkakamali ka ng konti sisigawan ka na, hindi rin maiiwasan yung ibang customers na parang ang binibili eh pagkatao mo, may times na gusto mo munang mag absent sa work pero kukulangin ang pangtuition kaya duduty nalang kahit pagod na pagod ka na.  At most of the time nakakatulog sa klase (sorry po di ko po talaga sinasadyaaa Mam, Ser). May times na mag eexam ka ng hindi talaga nakakapagreview, tamang scan lang, At ang pinakamahirap yung magsasabay sabay ang pagod mo, PHYSICALLY, MENTALLY, AND EMOTIONALLY.  Mahirap gampanan ng sabay sabay lahat, Studyante ka, crew ka, anak ka, ate ka, kaibigan ka at most importantly servant of God ka. Marami kang kelangan isacrifice, may times na magkakayayayaan ang barkada pero di ka makakasama kasi may duty ka, or may kelangan kang tapusin, may times na may family outing or lalabas ang buong pamilya pero di ka makakasama, or magkakayayaan ng gala pero mas kelangan mo ng tulog.
Pero kinaya ko lahat yan dahil Kay Lord. Kay Lord ako humugot ng lakas everytime na gusto ko na sumuko, and sa mga akala kong hopless situations God is always there to give me hope. Sa mga oras na akala ko di ako makaka bayad ng tuition at kinulang sweldo ko lagi Niyang pinapatunayan na He is our great provider, He even gave me the opportunity to be one of those blessed MBTF Scholars.
And now sino bang mag aakala na yung akala niyang di makakapag college, yung naranasan na mag drop ng subjects, magka singko, ma INC, at magrepeat ng subjects , namura naduro at minaliit ng mga mapagmataas na customers eh graduate na ng ACCOUNTANCY.
ALL PRAISES AND GLORY TO GOD
I just wanna share one of my life verses
ISAIAH 40:31 “ BUT THOSE WHO HOPE IN THE LORD WILL RENEW THEIR STRENGTH. THEY WILL SOAR ON WINGS LIKE EAGLES THEY WILL RUN AND NOT GROW WEARY, THEY WILL WALK AND NOT BE FAINT.”
Without Him hindi ko mararating to. Baka kung hindi ko nakilala si Lord, siguro nadepress na ako or napariwara na buhay ko.
To all students or working students out there, push lang. Meron at merong patutunguhan yang tiyaga at paghihirap niyo ngayon, tiygaan niyo pa, tapangan niyo pa sa mga challenges  sa buhay, and soon your tests will be a testimony too, just don’t forget na hindi sayo ang laban na to, it is the Lord’s battle and He will fight for you, always call on Him. There will always a reason and lesson for your pain. Lagi niyong tatandaan na kapag hindi niyo na kaya wag kayong sumuko sa buhay bagkus isuko niyo sa Diyos yung buhay niyo, let Him move in your life and everything will fall into their right places.
“Many are the plans in a person’s heart, but it is the Lord’s purpose that prevails.” ~ Proverbs 19:21

Luna, Angelica O. 
Bachelor of Science in Accountancy
#1stDegree

TO GOD BE ALL THE GLORY ☝️❤️

Pag may tiyaga, may nilaga!

SA SIPAG AT TIYAGA, MAY NILAGA.



CUNANAN, KEVIN DAVE MANIAGO
Don Honorio Ventura State University
BS Accounting Technology
First Degree

And here is my story,

Anim na taong gulang pa lamang ako ng mawala ang aking pinakamamahal na ina. Walang araw at gabi noon na palagi ko siyang hinahanap at tinatanong sa aking lola. Ang tanging sagot na lamang ng aking lola sakin ay, "panayan me mu i mama mu, atin yamu sagling pintalan". Ang tagal ko siyang hinintay sa mga panahon na iyon, pero ni anino ni mama ko walang bumalik. Mahirap para sa akin ang mawalan ng ina lalo na kung yung anak ay musmos pa lamang. Yung tipong naiinggit ako sa mga batang kasama yung mama nila na kumakain sa mga fastfood, naglalakad sa mga park kasama buong pamilya habang ako takam na takam sa aruga at pagmamahal ng isang ina.

Elementary days, heto yung mga panahong lagi akong naiiwan sa bahay kasama yung dalawa kong tito dahil kailangang maghanap buhay sina Lolo at Lola para sa aming pamilya. Dumating din yung times na stay in silang pareho para magbantay ng isang bahay. Pinagsisilbihan nila yung boss nila at kumakain sa tamang oras samantalang ako once a day lang kung kumain pero sinabi ko nalang sa sarili ko na wag akong magalit/magselos dahil para sa akin din naman yung ginagawa nila.

Lumipas ang mga panahon, marami pang mga dagok sa buhay ang aking naranasan. High school days, heto yung mga panahong naging seryoso ako sa pag aaral kahit medyo mahirap ang buhay. Dahil gusto kong makapagtapos ng pag-aaral, nagsumikap ako. 2nd year high school naging Top 1 ako sa klase. Hindi naging hadlang ang kahirapan para magpursige ako lalo sa pag aaral. 3rd year highschool napunta ako sa klase ng mga matatalino, medyo nahirapan akong mag adjust dahil marunong lahat ng mga kaklase ko. Pero di ako sumuko, kahit di ako umabot sa top 10 ang mahalaga pasado lahat ng mga grado ko. 4th year high school na nung tumigil sa trabaho sina lolo at lola ko. Dito ko napag isipan na mag working student. Sobrang nahirapan ako sa paghahanap dahil 15 palang ako non, to be honest pati yung mga nakapaskil na mga posters sa mga poste ay tinetext ko. Ang kaso di ako tumatagal kasi ayoko yung mga networking. Nagtinda nalang muna ako pansamantala ng mga gummy bears, chocolitos at stick o sa mga kaklase ko para pandagdag sa baon ko. Sobrang hirap pero nakakayanan ko kahit papaano. Dumating yung araw ng graduation ko, as expected walang handa pero masaya ako kasi nakapagtapos ako. Wala man akong nakuhang reward that time atleast naging mabuti akong anak at apo sa aking pamilya. Pero pagdating ko ng bahay sa di inaasahang panyayari meron pala silang inihanda na konting salo salo para sakin. Naiyak ako sa tuwa dahil first time akong masurprise. Niyakap ko nalang sina lolo at lola ko sabay sabing, "thank you keng egana gana, kaluguran da kayu".

May 2016, summer na. Imbis na magswimming ako at sumama sa mga barkada ko, naghanap ako ng pwedeng pagkakitaan. Nakapagpasa ako ng resume sa Mcdonald's Bayan, then kinabukasan natawagan ako para sa tinatawag nilang 'OJE'. Pero sa kasamaang palad, di ako pumasa at nakapasok sa store nila. Habang wala pa akong mahanap na trabaho, nagtinda muna ako pansamantala ng halo halo, mais con yelo at saba con yelo sa amin. Oo mahirap, dahil medyo walang masyadong bumibili sakin noon. Patuloy akong naghanap ng pwede kong pagkakitaan hanggang sa nakapagpasa ako ng resume sa Mcdonald's SM Pampanga. After few weeks tinawagan ako at ako ay natanggap.

June 13, 2016. Unang araw ko bilang working student. Medyo okay pa nung mga ilang araw. Pero lumipas mga buwan nahirapan na akong i'balance yung study at work. There are some instances that I had to brought my handouts and notes in my workplace to review for major exams while cooking patties and making gravy (na assign kasi ako as production staff), or sometimes not to sleep at all. And that’s my routine almost everyday: school-work, work-school. Naranasan ko din ang magbenta ng mga apple pies and mineral water sa mga bus. Siyempre as a marketing staff of Mcdonald's yung goal namin is magpasok ng benta sa store. Sa una nahihiya pa ako, pero hanggang sa naisip ko na wala naman akong ginagawang masama bat ako mahihiya diba?

3rd year college ako nung muntikan na akong bumagsak sa major subject namin. Nawala din yung mga scholars ko that time. Sobrang depressed ako sa mga panahong iyon. Tanging nasa isip ko lagi ay ang "life after death". Pero lumaban ako, kahit alam kong mahirap na kalaban ang depression. Buti nalang nandiyan yung mga totoong taong may concern sa akin. Lagi nilang sinasabi sakin na, "kaya mo yan, trials lang ni God sayo yan", "mipasar ka din tiwala mu", at "alam kong malakas ka, makakayanan mo lahat yan dahil naniniwala kami sa kakayahan mo". Nabuhayan ako sa mga sinabi nilang mga yun, nagkaroon ako ng tiwala sa aking sarili para malabanan yung depression. Sa bandang huli nagtagumpay ako. Nanalo ako laban sa depression.

Naging okay ang lahat hanggang sa mag 4th year college na ako. 6 subjects lang kami this school year pero madalang lang ako kung pumasok dahil nga sa trabaho. Aminado naman ako na sobrang pagod lang talaga sa trabaho kaya di na ako nakakapasok sa school. Hanggang sa dumating yung araw ng paggawa ng feasibility study namin, lalo akong nahirapan sa pagmanage ng oras ko dahil sa trabaho ko, nakiusap ako sa aming restaurant manager na kung pwede mag leave muna ako ng isang buwan, at pinayagan naman ako. Ilang araw ang makalipas, oral defense na namin. Sobrang kaba ko dahil nakakapressure yung mga panelist namin. Pero sa awa ng diyos kami ay nakapasa.

At ngayong graduating na ako sa aking first degree, nais kong magpasalamat kay God na laging nandiyan kapag ako ay nahihirapan. Sa family ko, lalo na sa aking dakilang Lolo Ponsing at Lola Baby. Kahit may edad na kayo ay patuloy niyo parin akong sinusuportahan sa aking pag aaral. Sa mga tita at tito na lagi ding nandiyan kapag wala akong baon. At syempre sa Papa Joel ko na lagi din nandiyan kapag kailangan ko ng tulong pinansiyal.

Di ko din makakalimutan yung mga taong naniwala sa aking kakayahan, lalo na sa aming mabuting Restaurant Manager na si Mrs. Deny Laine Ocampo. Maraming salamat po maam sa pag'inspire and pag motivate po sa akin kapag ako ay nada'down. Nang dahil po sa Mcdonald's nabuild po lalo yung self confidence ko. Nagagawa ko na yung nga di ko pa nagagawa dati like hosting. And sa lahat po ng mga managers sa Mcdonald's SM Pampanga at Mcdonald's Telabastagan, maraming maraming salamat din po sa pag intindi sakin kapag ako ay EL at EA.

Salamat din sa mga naging kaklase ko na always pa ring nagppm sakin kapag ako ay nalulungkot. Di ko na kayo i'memention dahil alam niyo naman kung sino lahat kayo.
Sa mga kaibigan ko sa bahay, school at work. Thank you for always making me smile kahit na sobrang nahihirapan ako.

And sa lahat ng mga tinrain ko sa Mcdonald's SM Pampanga and Mcdonald's Telabastagan lalo na yung mga working students, continue to pursue your dreams guys. Katulad nga ng lagi kong sinasabi sa inyo na, "Kung kaya ko, kaya niyo rin. ". Wag agad susuko guys, pero mas priority niyo pa din dapat yung school ah. Good luck sa susunod na school year.

Again, I am Kevin Dave "KD" Cunanan, your Guest Experience Leader and Certified Crew Trainer, saying thank you so much and god bless.

Hirap now, ginhawa later!

"HIRAP NOW, GIGINHAWA LATER!"


I've waited years para masulat ko to. Tuwang tuwa ako pag makabasa ng mga inspiring graduation stories before. I actually ended up crying, nadadala ako lagi sa story. Now, I'll grab this opportunity na ishare din yung story ko. I want to inspire other people like what I felt before.

Minsan lang to, kaya sulitin ko na. Stop reading now kung tamad ka magbasa.

Noong 2012 lang kami lumipat dito sa Manila. I'm a proud Bisaya! Tubong probinsya ng Zamboanga Del Sur. Di kaagad ako nakapag-aral nung andito na kami sa Manila due to financial problem. Actually, 2 years din akong stop! Pero within those 2 years, diko sinayang yun! Ayokong tambay lang ako sa bahay. Gusto ko may gagawin ako. Kasi para sakin, bawat segundo mahalaga.

At the age of 16, naging tindero ako ng sapatos sa may Cartimar Pasay. It was my 1st job dito sa Manila. Hindi ako masyadong nahirapan kasi sinanay nako ni mama sa province before. Nagtitinda ako dati ng isda after ng klase ko nung high school. Kapag weekends, nagtitinda ako sa pwesto ng tita ko. Dun kami nabubuhay, sa pagtitinda ng isda. It was then I realized na kapag magsusumikap ka, may aanihin ka.

At that time, super gusto ko na talaga mag aral. As an initiative, I have decided to be a working student. I wanted to be independent and at the same time, para mabawasan nadin yung gastusin sa bahay. Naalala ko pa dati, lagi akong nagdadasal na sana makapagtrabaho at makapag aral ako. God never fail to answer my prayers- dininig nya yung panalangin ko!

Out of 10 resumes na pinasa ko sa mga fastfoods around Divisoria, only one employer texted me for an examination. I almost lose hope that time kasi halos 3 weeks nadin bago ako tinext. I asked God to guide me all the way, and He never fail me again. I was hired as a Service Crew / Front Counter at McDonald's 168 Mall Divisoria.

After 8 months of working in McDo, nakapag-ipon na ako. I enrolled at EARIST Manila at ayun tuloy tuloy na. Pinagsabay ko both studies at work ko sa McDo! At first, sobrang hirap pala. Pagka out mo galing sa duty, sobrang nakakapagod. Pero instead na magpahinga kana, magrereview ka muna. Acads is life eh! Minsan nakatulugan ko nalang mga notes ko. May time rin na habang naka duty ka, yung isip mo nasa lessons parin na i-exam kinabukasan. Most of the time, pag diko na talaga kaya magreview after ng duty ko, sa jeep nalang ako nagbabasa ng notes. I actually cried out secretly kasi gusto ko na bumigay. But then again, naalala ko mga pangarap ko. "Pwede magpahinga pero bawal sumuko!" Yan ang motto ng mga working students. From 1st year to 4th year college, yun lagi routine ko hanggang sa nasanay na.

Yes, I'm an achiever simula kinder, elementary at high school. Kaya nung nag college na ako, I really prioritized my acads. I also involved myself to some extra curricular activities. Gusto ko maovercome yung fear ko sa crowd. Tinry ko mag MC sa mga seminar namin sa school. At first, may mga tumatawa. Kasi nga bisaya ako! May matigas accent talaga kami. Pero deadma lang, bakit ba? Little by little, nasanay nako humarap at kumausap sa maraming tao at nag sunod sunod narin yung pag e-MC namin sa mga school activities.

Despite of all the hardships, one thing that keeps me going is my faith to God. Sa masaya at malungkot kong araw, sya lagi kong nakakasama through prayers. Pero ika nga nila, "faith without action is dead." Which means wag lang tayo puro faith! Wag nating iasa lahat sa dasal. Kelangan din natin kumilos at magsumikap.

I am posting this to inspire and challenge the youth na kagaya ko na gusto mag-aral pero walang pampa-aral. Be brave to take risks! Pwedeng pwede ka mag working student. Maraming job opportunities na open ngayon sa government natin na pwede mong pasukan. Wag mong hintaying lalapitan ka ng swerte, dahil kung hindi ka gagalaw, talagang nganga ka! If ever you'll get a job, pahalagahan mo. Good thing now is that free tuition na to all State Universities and Colleges (SUCs). Tanging ang passion at driving force mo nalang talaga sa pag-aaral ang kailangan. The opportunity is being serve, grab mo na. Huwag mo na sayangin!

To all working students out there, saludo po ako sa inyo! It is a living testimony na dahil sa pagsusumikap natin, hindi lang tayo makakapagtapos ng pagaaral. But more than that, kaya pa nating mag excel sa mga acads at extra curricular natin. Sipag, tiyaga at pananampalataya. Yan tatlong yan ang tanging sandata natin sa laban. Gugulong pero gagraduate!

Success really entails sacrifices. However, this journey wouldn't be possible without the help and guidance of these following people.

To my family and relatives:
Mama Helen, Papa Joel, Ate Gladys ug sa akong mga igsoon, para ni sa inyoha! Thank you so much for your support and for believing in me. Thank you for inspiring me always!

To my mentors and former teachers before, thank you so much! Especially to Dr. Willy Gapasin at Prof. Ramon G. David. Thank you for your generosity sir.

To my McDonald's 168 Mall and KP Tower Family, salamat po! Sa mga nakakasama ko sa store, sa crews at managers. Kay Ma'am Maya, Ma'am Alpha, Sir Lodi Bernie at Sir Thamz, thank you po! Saksi po kayo sa buong college life ko.

To my OJT Families, thank you so much po! TTFC Classic Savory Family both in Accounting and Audit Department, thank you po. At sa Malayan Insurance Family lalo na sa Budget and Control Department, thank you so much mga Ma'am and Sir!

To my Molave Friends and Austra Family, thank you and I miss you all! Pati narin sa former teachers and classmates ko sa Molave Bliss Elementary School at Molave Vocational Technical School, thank you so much po.

To my college friends in EARIST and especially to GanGSS, mahal na mahal ko kayo mga beb! Boring ang college life ko kung wala kayo. Yakaaaap! Mwaaah.

Above all, to our Almighty Father! I will give back all the praises and honor to you Lord. Daghan kaayong salamat. Walay sukod imong kaayo Lord.

The battle doesn't ends here- another chapter opens and I welcome myself to the real world. It isn't a success yet. There are more sweet success to come, soon. But still, congrats self because you made this far! Ito na ang tunay na laban! Naghirap man tayo now, pero another opportunity opens para giginhawa tayo later.

"I have fought a good fight. I have finished the race. I have kept the faith." 2 Timothy 4:7

To God Alone Be All The Glory!

--
PS.
The day I accepted Jesus Christ as my personal Lord and Savior, He made me realized na wala sa galing, wala sa talino, at mas lalong wala sa sipag at tiyaga. Kundi nasa biyaya lamang ng Panginoon. Wala akong ibang itataas, kundi si Lord lamang. ♥️

BAGARES, JOHNEL UROT
BS in Business Administration
Major in Business Management
EARIST Manila
Class of 2018
PROUD WORKING STUDENT
CIVIL SERVICE ELIGIBLE
CUM LAUDE

We are not Joking at work!

WORKING STUDENT IS NOT A JOKE



Di madali ang pagiging working student dahil dito masusubok ang pagiging madiskarte mo pagdating sa paghahati mo ng oras sa trabaho at pag aaral. Dito den masusubok ang iyong pisikal na lakas kung hanggang saan kakayanin ng katawan mo ang pagod sa pang araw araw na routine na yon.

Hanggang sa dumating na ako sa point na hindi ko na sila na balance,naranasan kong makakuha ng mababang grades, dahil di ako napapasok consistently sa school dahil sa pagod napabayaan ko pag aaral ko, dun na ko nagising na, hindi ko na pala nababalance yung mga bagay na pinapahalagahan ko, hanggang sa kinailangan ko nang maghabol ng mga activities kase nga graduating student ako at hindi pwede ang may failing grades.

Nagawa kong mag AWOL (absent without leave) sa trabaho kase nga nalalapit na ang deadlines sa ibat ibang subject sa school. Sa mga ka-crew ko na na-awol-an ko sa mga managers patawarin niyo ko natulungan niyo naman ako maka graduate oh?😊

Isa ren sa mga achievements ko ay maging proud ang aking pamilya sa mga natatamo kong awards mula pa noong ako ay high school pa lamang up until now. kung hindi dahil sa tulong nila hindi ko makakamit ang lahat ng ito.

at syempre hindi lang sa school ang mararanasan mong struggle pati rin sa trabaho, dun ka talaga makaka-encounter ng ibat-ibang klase ng pag uugali meron ang tao, nanjan yung mabait, masungit, mataray, mahinahon at kung ano ano pa.

nanjan yung naranasan kong sigawan ng customer dahil sa out of stock na toy, mumurahin ka sa harap ng maraming customer, sigawan at masungitan ng mga matatanda at kung ano ano pa, pero salamat sa kanila dahil don tumibay ang loob ko sa mga ganong klase ng taoπŸ˜‡. well ganon talaga ang magagawa na lang naten ay makisama sa kanila.

saludo ako sa mga katrabaho ko pati sa mga service crew den na nagtagal sa ganitong industriya! sila ren ang nagturo saken ng mga dapat kong gawin kapag nakaka-encounter ako ng mga customer na may attitude, sila nagtuturo saken na maging positive at manatiling masaya sa shift kahit na ganon.πŸ’“

Di ako perpektong crew, madami din akong di nagagawang tama, but nothing's perfect right? if you did your mistake for the first time try not to make it the second or third time around.πŸ˜‰

Sa mga Service Crew jan na Working student na graduating din this year katulad ko mabuhay tayong lahat dahil naitawid natin ang sarili natin sa tulong ng magulang at ng pagsisikap naten!❤ We did a great job guys😊

And I know marami pang studyante na katulad ko ang nais na matupad ang kanilang pangarap kaya magsikap lang tayo, hindi pa man ito ang inaasam nating tagumpay isa naman ito sa mga hakbang upang matupad natin 'yon!❤πŸ™Œ

At lastly, nais kong magpasalamat sa mga kaklase ko na sumuporta at tumulong saken para sa litratong ito kung hindi dahil sa inyo wala akong picture na ganyanπŸ˜‚ mahal kayo ng Class President niyo na sirauloπŸ˜†πŸ˜˜

Donna Contessa Canlas
Class President
S.Y. 2018-2019
Humanities and Social Sciences
Service Crew
McDonald's Maypajo 663

Ano ka sa Umaga, Hapon at Gabi?

Empleyado sa Umaga, Estudyante sa Hapon, Wala pang tulog sa Gabi.

Yan, ganyan ang buhay ko bilang isang Service Crew or Guest Experience Leader slash estudyante. Yung papasok ka sa umaga sa trabaho pagkaout mo palit ng damit, ayos ng sarili pagkatapos nun estudyante ka na.

Mahirap? Oo mahirap. Yung ultimo hindi mo na alam kung paano mo hahatiin yung oras mo sa araw araw na gagawin mo. Yung dapat after duty mo ipapahinga mo nalang pero hindi mo magagawa kasi kailangan mong pumasok ng school dahil ibang laban na naman yung haharapin mo. Iba't ibang uri or klase ng tao yung makakaharap mo sa trabaho at sa paaralan. Dadating din sa point na masisigawan ka, mapapagalitan ka ng ibang customer, mapagsasabihan ka ng manager mo. Yung wala kang magawa kaya ang gagawin mo ay tatanggapin mo nalang. Yung work parang pagaaral lang din yan na may mga dapat kang iaccomplished sa bawat subjects or stations.

Ako bilang isang Marketing ng McDonald's na ang everyday routine mo ay ang pageexpedite ng pila, paghohost sa party, pagcommunity visit sa katirikan ng araw, pagbobooked ng malakihang orders ay madami din akong naranasan. Dito ko naranasang UMIYAK, TUMAWA, MAHIYA, at kung ano ano pang feelings na mararamdaman mo sa loob ng oras ng duty mo. Yung kahit may problema ka kailangan mong ngumiti at ipakita sa harap ng mga customers na OKAY ka kahit ang totoo HINDI naman. Magbibigay ka ng isang ALL OUT SERVICE sa customers para masatisfied mo sila. Yung iseserve mo yung order nila kahit ikaw gutom na gutom na pero kailangan mong tiisin yun kasi sabe nga nila CUSTOMERS FIRST. Ilan lamang yan sa mga naranasan ko bilang isang GEL sa McDonald's.

Naaalala ko dati, sabe saken bakit di ka pa nakakagraduate eh yung mga kabatch mo eh graduate na at may magaganda ng trabaho tapos ikaw ganyan padin. Masakit pero totoo. Pero naisip ko ang pagiging isang degree holder hindi naman yan minamadali. Hindi naman nasusukat yan sa kung ilang taon ka nagaral sa kolehiyo. Ang importante ay mayroon kang ipagmamalaking diploma na magpapatunay na ikaw ay isang Degree Holder. Lahat ng mga comparison na natanggap ko ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin na magaral ulit. Kaya ayun ang ginawa ko.

Bilang isang WORKING STUDENT, madaming naging hindrances kaya minsan naisip ko na tumigil nalang. Dumarating sa point na wala ka pang pambayad ng tuition fee mo kasi di tumutugma yung sahod mo sa oras ng bayaran sa school. Oo, ako yung nagpapaaral sa sarili ko kasi ayoko ng dumagdag pa sa gastusin ng mga magulang ko. Naranasan ko din na maglakad simula bahay hanggang work kasi yung natitirang pera mo eh pamasahe mo nalang papuntang school. Yung mga bagay na gusto mong mabili pero dmo magawa kasi maiisip mo na itabi mo nalang para pambayad sa school. Yung papasok ka ng walang tulog dahil sa tinatapos mo yung thesis at pinaghahandaan ang nalalapit mong defense. Pero naisip ko na kakayanin ko to. Sacrifice lang. Makakatapos din ako. And that's it! Tentenenen πŸŽ“πŸŽ“πŸŽ“

Masaya? Oo masaya. Kasi dito ako nakabuo ng panibagong pamilya. Sila din ang isa sa mga naging dahilan para mag grow pako as individual. Sila yung kasama mo sa tawanan, kwentuhan, iyakan at kung ano ano pang kalokohan sa buhay. Ilan dito yung naging motivation ko to continue my studies na kahit mahirap pagsabayin ang pagtatrabaho at pagaaral ay nagagawa nila. Honestly, yung mga kacrew ko na gumraduate ng college ay isa sila sa nagbigay saken ng thinking na "SILA NGA NAGAWA NILA EH, EDI MAGAGAWA KO DIN". And eto nga ang naging resulta, nasuot ko din ang pinakamagandang OOTD ng buhay ko at ito ay ang ITIM na TOGA habang nagmamartsa sa harap ng madaming tao.

Kaya sa mga kapwa ko SERVICE CREW specially sa mga WORKING STUDENTS na katulad ko, GOODJOB sa inyo. Hindi biro yung mga ginagawa niyo araw araw. Tiwala lang at magagawa niyo din yan.

At ngayong araw na to, nais ko lamang magpasalamat sa mga taong naging parte ng JOURNEY ko bilang isang empleyado. Maraming salamat po sa lahat ng turo at pagmomotivate sa akin na kaya ko. To my MCDONALD'S MATALINO 193 FAMILY, I am very proud and thankful to be part of this team. To all my managers specially sa RGM ko na si Ma'am Rosalie Rojas, thankyou po sa lahat ng help and learnings na tinuro niyo po sa akin mamu. Itetreasure ko po lahat ng yon. Sa aking kapwa GELS diyan, thankyou for the help and sa respect bilang isang OIC niyo. To my CREWMATES, salamat sa inyo. For almost 3years and 3 months na nakasama ko kayo, kudos sa inyong lahat. 😘😘😘😘

Sa aking Mama and Papa, eto na po ako oh! GRADUATE na po ako. Salamat po sa lahat though dumating sa point sa nagloko ako sa school pero look. DEGREE HOLDER nako. Gusto ko po kasing maging proud kayo sa akin kaya nagpursigi po ako na makatapos ng pagaaral. To my Ninang/Madam/Cousin NESS, Salamat po sa help specially sa school finances lalo na kapag walang wala na talaga ako. I really appreciated. πŸ’—πŸ’—πŸ’—

And sa lahat ng friends ko out there THANKYOU din sa pagmomotivate na KAYA ko at MAGAGAWA ko. Iloveyou all guys. 😘😘😘😘

FRANCISCO, JOHN GUILLER B.
Bachelor of Science in Computer Science
1002133
Class of 2019

Once again, this is GUILLER your Guest Experience Leader. "MAGTATRABAHO PERO MAGTATAPOS"

Being Service Crew!

What is SERVICE CREW to you?


Naalala ko noon sabi ano daw ba ikecreative shot ko for grad pic namin, pero di ako nagdalawang isip na ito yung isuot ko kasi sobrang proud ako na isang akong working student, isang service crew. 😍

Yan, yan ang buhay naming mga service crew, sa paningin ng marami, “madali lang yan, tagapunas lang naman ng tables yan e”, “tagalinis lang naman yan”, “magkacounter lang naman yan” and ang masakit na katotohanan djan, ay may mangilan-ngilan na mababa talaga ang tingin sa aming mga service crew, madalas di maiiwasan na may mga matapobreng customer na kung umorder akala mo binili buong pagkatao mo tapos sasabihan ka ng “ayusin mo trabaho mo”, may iba pa na sasabihin na “kung di dahil sa amin di kayo susweldo”, masakit pero totoo. May mga makakasalamuha kaming customer na kung ano ano sasabihin, mga madaling mainip sa pila, yung konting magkamali kalang ipapamuka sayo na parang nakagawa ng kasalanan na apektado buong earth e, may iba na susungitan ka, may iba na sisigawan ka, tatarayan ka.

Naalala ko nung una at huling beses na umiyak ako dahil sa customer, sinigawan niya ako, halos ipahiya ako sa harap ng maraming tao, dinuro ako, sinabihan ako ng kung ano anong salita at pinahiya ako sa harap ng manager namin mismo NA ALAM KO SA SARILI KONG GINAGAWA KO NG TAMA ANG TRABAHO ko pero dahil nasa isang customer service industry ka, dapat mahaba ang pasensya mo, ang ginawa ko, humingi ng sorry sabay talikod punta sa likod, iyak, hagulgol, hagulgol ng hagulgol hanggang sa matigil, punas luha, ayos muka, tingala sabay lakad balik sa unahan, ngiti sa ibang customer at magpanggap sa harap na kunwari okay ka kahit ang totoo nasaktan ka. πŸ’ͺ🏻

Ganyan kami, dahil iyan ang trabaho naming mga service crew. Para sa kaalaman ng lahat ang pagiging service crew ay hindi madaling trabaho, yung araw araw papasok ka, haharap ka sa iba’t-ibang customer, ngingiti, makikipagusap, aalayan mo ng magandang serbisyo para masatisfy mo sila kahit sa araw araw na routine ng buhay mo paulit-ulit nalang, pagod ka na, minsan puyat, yung minsan pa nga kahit wala kang tulog wala e kailangan pumasok sa trabaho, yung kahit ikaw di pa nakain pero sige okay lang trabaho pa rin dapat, para kumita ng pera.

Tulad ko, na nagdaan bilang isang working student, saksi at danas ko ang hirap ng pagiging isang service crew lalo that time na graduating student ako, school, work, school, work. Yung kapirasong tulog nalang yung meron ka kasi may klase ka, may duty ka tapos may thesis ka pa pero laban lang, sabi ko sa sarili ko “Laban lang, gusto ko tong ginagawa ko!” πŸ’ͺ🏻

Pwede akong magresign kasi napapaaral naman ako ng magulang ko ng maayos, binibigyan ako ng baon sa school araw-araw, pero mas pinili ko pa rin ang manatili, dahil gusto ko tong trabahong to hindi para sa sweldo kundi dahil sa mga taong bumubuo nito. Dahil dito, sa trabahong ito nakabuo ako ng panibagong pamilya, panibagong pamilya na nakakasama mo sa long line man o petiks na trabaho lang. HAHAHA! Dito napagtanto ko na ang bawat tao may kanya-kanyang kwento, may kanya-kanyang dahilan bat nila naisipang magtrabaho dito, karamihan sa mga katrabaho ko lahat mga teenagers palang, mga working student tulad ko at may mga tumigil sa pagaaral para magtrabaho makatulong lang sa pamilya. At doon, doon ko naisip kung gaano kahalaga at kahirap tong trabahong to. Lingid sa kaalaman ng marami na may mga taong isasakripisyo ang pansariling kagustuhan makatulong lang sa pamilya nila lalo’t higit sa lahat ay menor de edad palang ang mga ito.

Dito, dito ko naappreciate ang mga service crew, yung hirap na ginagawa nila sa araw araw para lang kumita ng pera pantulong sa pamilya nila kahit di pa rin sapat, tuloy lang kahit nakakapagod na, tuloy lang. Dito ko rin narealize na masarap kumita ng pera na sariling pawis mo yung inalay mo, yung sarili mong pera yung ginamit mo para mabili yung mga bagay na gusto mo. Dahil ako personally, malaking tulong yung kinita ko dito para makatulong sa gastusin ko sa thesis ko, sa school at makatulong sa nanay ko at mga kapatid ko. πŸ’–

Nakakapagod pero masaya. 😊❣️ Masaya dahil despite of pagod and stressful day, at the end of the day nanjan yung sama sama kayo at sabay saba magaout tapos after magout, kakain ng pares sa kanto, magfufoodtrip, kwetuhan at kung ano ano pa.

Dito, dito ko natagpuan yung pangalawang pamilyang sinasabi ko. Kahit pagod ako sa school gusto kong pumasok sa Mcdo kasi alam ko may mga taong gustong kasama ako sa duty, yung tipong papasok ako para magligalig, magingay at mangulit sa mga katrabaho mo, sa mga customer mo.

At syempre ang pinakafulfilling na moment ko bilang isang service crew ay yung makasalamuha ka ng iba’t ibang uri ng tao ❣️ may mga masungit, matapobre pero still may mga mababait naman talaga. Yung mga taong naaappreciate yung ginagawa mo. Ako bilang nagkacounter, at LSM na naghohost ng mga birthday party mapachildren’s party man o debut yan, yung makapag-alay ka ng maganda service at maappreciate nila yun ay sobrang sapat na. Lalo yung mga customer na magtethank you sa simpleng gesture na nagawa mo, yung mga customer nangingitian ka at natatandaan ang pangalan mo, sa ganun pakiramdam mo ang yung pagod at stress na naramdaman mo buong araw mapapawi kasi honestly, para sa aming mga service crew, YUNG SIMPLENG THANK YOU and SMILE ay malaking bagay na para sa amin. 😊😊

At ngayong last day ko bilang isang service crew, gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga naniwala sa akin, sa mga managers, sa mga kacrew ko, mga kateam closer ko, mga kaLSM ko, sa mga tropa ko, thank you for all the wonderful memories, Team McDonald’s Balibago, Team 583. Thank you sa pagpaparamdam sa akin ng pagmamahal ng isang pamilya. Dito naexperience ko yung may mga taong sabik sa presensya mo, na may mga taong makasama kalang masaya na sila, yung mga taong masasandalan mo kapag may problema ka, yung mga taong naappreciate kahit baliw at pabebe ka. Higit sa lahat, dito natagpuan ko ang mga taong magiging daan para mas magrow ako as a person. Thank you team! πŸ’–❣️

 At higit sa lahat nais kong sabihan ang lahat ng mga kapwa ko service crew na “KUDOS SA INYONG LAHAT! HANGA AKO SA SIPAG AT PASENSYA NINYO! MABUHAY KAYONG LAHAT!” πŸ™ŒπŸ»πŸ€ŸπŸ»

Muli, para sa ating mga customer, matuto tayong iappreciate ang bawat paghihirap ng mga kapwa natin, dahil hindi natin ang alam ang pinagdadaanang hirap ng bawat isa, ang pakitunguhan sa maayos na paraan ay higit pa sa sobra sa serbisyong inaalay nila sa atin. ❤

Hannah Hernandez
Service Crew & LSM
2016-2018