Ano ba ang pagkakaiba ng 13th month pay, back pay at separation pay?
Maraming dahilan kung bakit umaalis ang mga empleyado sa isang kumpanyang kanyang pinapasukan. Ilan sa mga ito ay ang kakulangan sa pagpapasahod, lokasyon ng pinagtatrabahuan, pangit na Management, at ang kakulangan sa pagpapahalaga sa empleyado o Career growth.
*Ang 13th month pay
Ang 13th month pay ay isang anyo ng benepisyong salapi na katumbas ng buwanang batayang sahod (basic pay) na natatanggap ng isang empleyado. Kinokompyut ito nang pro-rata ayon sa bilang ng buwan na nanilbihan ang empleyado sa kumpanya nito sa loob ng isang taong-kalendaryo.
Ang 13th month pay ay mandatory na nakasaad sa batas (Presidential Decree No. 851). Sinasabi dito na: All rank and file employees, regardless of their employment status, and who have worked for at least one (1) month in the company are entitled to receive a 13th month pay.
Kumpyutasyon:
Buwanang batayang sahod: P24,000
1 taon sa trabaho: P24,000 x 12 buwan
= P288,000/12 = P24,000 (13th month pay)
<1 taon sa trabaho: P24,000 x 7 buwan = P168,000/12 = P14,000 (13th month pay)
*Ano ang Backpay?
Matapos makapag resign, isa sa makukuha mo ay ang backpay. Tipikal na nakukuha ito matapos ang isang buwan mula sa huling araw ng iyong resignation at matapos ang lahat ng dokumento na kailangan ng HR. Ang Backpay ay Hindi Law Mandated ibig sabihin, hindi lahat ng kumpanya ay nagbibigay nito. Mas mabuting tanungin ang in yong HR dito.
Sa pagkuha ng back pay, kailangan muna nating maintindihan kung ano ano ang mga nakalakip dito. Bakit? Itoy para malaman natin paano ba nakukuha ang mga halaga na ating matatanggap mula sa ating dating employer. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat nating malaman:
- Huling sweldo – may pagkakataong i HOLD ang inyong huling sweldo matapos kayo makapag resign at isabay sa inyong backpay! Kailangan na alam mo kung magkano ito.
- 13th month pay – kailangang nakakuha ka ng pro-rated 13th month pay kung ikay nag resigned bago ang pagtatapos ng taon.
- Tax refund – kailangang makakuha ka din ng iyong tax refund kung ang iyong tax ay mas kaunti sa total amount ng iyong withholding taxes at estimated taxes.
- Vacation leave conversion (kung convertible cash)
- Sick leave conversion (kung convertible to cash)
- Deductions and/or liabilities (bayad sa loans o lost/damaged office equipment)
*Separation Pay
Madami sa nag resigned na empleyado ay nag iisip na entitled sila sa SEPARATION PAY. Ngunit, ang separation pay ay ibinibigay lamang sa mga empleyadong sapilitang pinagresign sa trabaho. ItoyIsa mga kadahilanang ang iyong pinagtatrabahuan ay nagsara nang tuluyan, retirement at pagbabawas ng empleyado ng walang dahilan. Ngunit d kagaya ng Backpay, ang Separation Pay ay nakamandato sa mga Local na pamahalaan bilang bahagi ng Philippine Labor Code.
Naway nagkaroon ng kaliwanagan ang bbawat isa sa inyo.
Ask kolang po sa loob poba ng 6months na pag tatrabaho at inindo ako , tama poba ang 1, 641 pesos lang na backpay ang makukuha ko?
ReplyDelete