#Longlines
The Long wait is over ππππ
-Working Student from the word it's self mahirap na agad. Totoo sobrang hirap pag sabayin ang aral at trabaho :(
Aminado ako , di ko napag tuunan ng pansin ang pag aaral ko dahil nga nag tatrabaho ako tama na sakin yung may maipasa akong projects, assignments makapasok ng ilang araw sa isang buwan,di ko pinriority yung study ko mas priority ko ang trabaho. Kailangan ko eh, kung di ako mag tatrabaho di ako makakapag aral. Naiinggit nga ako sa mga kagaya kong working student na priority pa rin nila yung study nila.Ako kasi hindi eh mas pipiliin kong pumasok/mag serve sa customer kesa sumali sa activities sa school. Minsan mas pipiliin kong dumuty kesa pumasok sa klase, wala eh mas nag eenjoy ako sa trabaho kesa mag aral. Alam kong Mali, pero di ko Pa rin naman pinabayaan yung pag aaral ko.Minsan may nagsasabi sakin pag papasok na ko sa school, "Mag aral ka ng mabuti" sagot ko "Aral lang wala ng mabuti" *sabay ngite :) *
Di ko din kasi talaga gusto yung course ko :( Education talaga gusto ko. Gusto kong matawag na Ma'am Pey ng mga studyante. Late ko na din nalaman na pwede pa lang mag shift ng course, sayang sobrang sayang. Sobrang panghihinayang yung naramdaman ko. Pero sabi nga diba? Lahat ng nangyayare sa buhay natin ay Plano ng Diyos. Siguro kung nakapasa ko sa Education, aral na aral din ako. Kasi gusto ko yung course na inaaral ko. Hindi siguro ko makakarinig ng mga salitang "aral aral ka pa hihinto ka din naman" "ilang buwan ka lang papasok titigil ka ulit" "nag aaral ka ba talaga ? niloloko mo lang sarili mo eh" joke man yan para sa kanila, sakin sobrang sakit nyan :( di ko lang pinapahalata sa kanila. Sabi ko sa sarili ko imbis na patulan sila, bakit hindi ko na lang patunayan sa kanila na mali sila? Oo hindi ako pala aral na studyante pero atleast proud akong sabihin na wala akong GRADE na TRES π€·♀️π hahaha kala nyo huh! π
-LOVE KO TO tag line ng Company kung San ako nag tatrabaho.
--totoo nga Love ko to nga talaga, 16 years old ako ng maging part ng McDonald's Family and now I'm twenteen one πand still working in the same company for almost five years π€Akala ko nung una kapag nakapag trabaho ka sa kahit anong fast food chain ang social mo na. Mali pala ko. Kasi don ko naranasan na maliitin, pag malditahan taray-tarayan ng mga customer :( nakakainis lang minsan, kahit alam mo sa sarili mong tama ka, ikaw pa rin yung magpapakumbaba wala eh customer sila eh. Di naman sa lahat ng oras tama sila diba? Sana pwede din naming ipagtanggol yung sarili namin lalo na pag sobra na sila π
-Thank you lang sagot
--Kahit pinagalitan ka na THANK YOU lang ang sagot.
--Inutusan ka na ikaw pa mag te-THANK YOU π
Wala kang ibang pwedeng isagot kundi THANK YOU! ππ
-FROM SERVICE CREW TO LOCAL STORE MARKETING/GUEST EXPERIENCE LEADER
--nag simula ako sa McDonald's as a service crew. Lobby person, fry person, Dessert Center Person/Take out Counter Person, Counter Person, McDelivery Service Person (MDS).
Naranasan kong mag Buss ng tables, mag trash out from lobby 2 ibaba ko sa Lobby 1 tapos dadalhin sa Coral, after ko maging lobby person naging Fry person ako. Mahirap din tong station na to for me dati eh grabe bawal ka ma down sa fries. Tapos daming utos pa ng kitchen. Naging DC person ako, ang tagal ko sa station na to, naiinip na ko gusto ko na mag counter. Ayokong mag stay sa ganong station gusto ko matuto sa counter kaya pag out na ko as a DC person pinapanood ko talaga yung mga senior na crew dati kung pano sila mag take ng order and kung pano sila mag punch sa POS, tapos tanong tanong lang ako sa kanila tapos try try mag punch hanggang sa pinaplot na ko sa counter. Ang hirap pala wait ayoko na sabi ko sa sarili ko. Minsan kasi napapagalitan. ako kasi yung dine in ginagawa kong take out and vice versa. Kaya everytime na mag ccounter ako, mag iin Pa lang ako nag so sorry na ko sa mga kitchen "ate kuya sorry counter po ako ngayon sorry po baka mali mali na naman po ako" tapos tatawa na lang sila ππ oyy parang masaya sa MDS ah. Syempre dahil pabida ko gusto ko din mag MDS so umepal na naman ako nood nood na naman tapos pa try try kung pano mag acknowledge mag receive mag rider out mag rider back hanggang sa natuto and ayon pinaplot na ko sa MDS ang saya ko non achievement sakin yon eh π ang saya ng buhay Service crew ko lalo na kapag ka shift ko yung mga tropa ko sa store dati. Sobrang ingay pag kami kami mag kakashift. Minsan ayaw na nila kami pagsamasamahin sa shift kasi puro kwentuhan lang daw kahit nag te-take na ng order ng customer hahaha wala eh masaya kami eh. Syempre di lang puro saya naranasan ko sa store. Narasan ko din ma complain pero di write us huh! Hihi. Mataray daw kasi ako, lagi akong inaaway ng mga senior ππ . Narasan ko din ma short π yung tipong pa resign ka na kasi last na mateterminate ka na. Buti na lang niligtas ako ng FRM sa store namin. At isa sya ang dahilan kung bakit nasa store pa rin ako. Hi Sir Markie :* :) . Promoted ako as LSM. Nung Una ayaw ko talaga nag back out nga ako non eh after training, di ko pala kaya sabi ko sa kanila. Pero wala para siguro talaga ko sa LSM position. Lumipas ang panahon, natutunan kong mahalin ang pagiging LSM ko, inenjoy ko. Dito ko naranasan maging teacher,ang sarap sa feeling pag tinatawag akong Teacher Pey, Maam Pey feeling ko natupad na ang pangarap kong maging teacher dahil sa Kiddie Crew Workshop π€π€Sa LSM Dito lang din kasi ako napansin, sabihin na lang natin na dito ko nag shine dito ko nakilala. Dito talaga ko nahubog eh. Dito umangat yung pangalan ko dito ko nakilala ng mga BOSSes. Dito ko naranasan maipagmalaki ng mga naging FRM and RM ko, dito bumango yung pangalan ko sa pamamagitan ng mga commendations ko, mga naiambag kong sales sa store *meron naman po diba? * hihi Dito ko naranasan kumilos ng mag isa lalo na pag naka leave ang frm ko and di nakakapasok ang Co - LSM ko, dito ko din naranasan makatanggap ng mga negative na salita hihi kasama naman siguro talaga yon . Basta alam ko sa sarili kong may naitulong ako sa store ma-appreciate man nila o hindi π
Mahiyain talaga ko, mababa ang self esteem ko promise. Pero simula ng mag LSM ako jusko nasobrahan naman ata sa kapal ng mukha hahaha. Dito ko rin naranasan sumali sa cheerdance, sumayaw sa ibang store pag may activity ang mga store, syempre proud na proud akong makasali sa VIDEO SHOOT ng Kiddie Crew for Kiddie Crew Dance Craze 2019 hellooow! Feeling ko sikat na ko hahaha buong McDonald's PH ba naman makakapanood non π€π€ hahaha ang saya ang sarap sa pakiramdam π
-wala kasi kaming Creative shots eh
--buti na lang sinuoot ko yung LSM uniform ko nung grad pictorial namin and may M logo akong pin π€
-Kailanman di ko kinahiya na nagtatrabaho ako sa McDonald's never kong naisip yon. Super proud akong naging part ako ng McD Family. Kahit hindi puro saya ang nararansan ko. Ganon naman talaga siguro, sa lahat naman siguro ng work π .
-Ang sarap sa feeling pag may mga ka work akong nagsasabi sakin na "ang galing mo naman ate" "uyy pey ano walang uwian ?" "Hala kanina ka Pa dito ah" "ano dito ka na titira? " "wooow ang galing mo talaga" "ang sipag mo talaga" "congrats deserved mo yan" pero sabi ko nga di ako perpektong employee π masipag lang siguro talaga ko pero di ako magaling. Bonus na lang talaga ang mapansin ako, ma write us dahil may commendations. Masali sa Best of the best. Bonus na lang yan for me dahil for me ito ang totoong ACHIEVEMENT ko sa buhay ang makapag tapos sa pag aaral.
-Hi HR graduate na po ako hihi baka naman? ππ joke. Di ko na inaasahan bahala na kung anong magiging kapalaran ko after this hahaha. Pero kung para sakin pa rin talaga yan push lang π kung hindi hanap ng iba ππ
-ALL OF MY HARD WORK AND SACRIFICES are finally Paid off!
-totoo na sya! π totoong totoo na. Ang sarap sa pakiramdam. Yeheeey! Tapos na ko mag aral. Tapos na ang pag hihirap ko. Ayy tapos na ba talaga? Or mag start Pa lang akong harapin ang tunay na buhay? Hahaha Good Luck self! π
*Lahat ng paghihirap, sacrifices may magandang kapalit yan tiwala lang kay Lord π hindi ka nya bibiguin.
Maging matiyaga at matiisin lang tayo magbubunga yon ng maganda promise.
Hindi sagot ang pagsuko lalo ka lang mahihirapan pag sumuko ka.
Naabot ko to, kasi naging matapang ako. Tinatagan ko ang loob ko hindi lang kasi ko nangarap para sa sarili ko nangarap ako para sa family ko.
Huwag na huwag kang makukuntento na nasa baba ka lang, hangadin mo din umangat sa buhay ng wala kang tinatapakang tao, libre lang mangarap, mangarap ka ng mangarap basta sasamahan mo ng dasal, sipag at tiyaga and in that way maabot mo lahat ng pangarap mo ππ syempre pag naabot mo na ang pangarap mo huwag na huwag mong kakalimutan si Lord that's the no. 1rule. Huwag ka din makakalimot sa kung san ka nag mula , always put your feet on the ground at huwag kang mangtatapak ng ibang tao para lang umangat sa buhay mali yon π just a piece of advice π€π
-Syempre di matatapos to ng di ako nagpapasalamat sa lahat ng naging part nitong journey ko! π
-Una kong pasasalamat syempre ang Panginoon, kung hindi dahil sayo Lord wala ako dito ngayon. Kung hindi mo ko ginabayan sa lahat ng pagsubok ko sa buhay di ko mararating to. So much appreciated Lord, hindi ako perfect na tao pero lagi ka parin nandito para tulungan ako at gabayan π iba ka talaga Lord. Thank you so much Lord, I Love you π Ikaw lang ang sasambahin ko wala ng iba ππ
-To my nanay, papa and sa mga kapatid ko
--nay, happy mother's day ito muna regalo ko huh! Wala pa kong pera eh haha. Nay, Pa may Degree Holder na kayong anak ππ thank you sa lahat ng sacrifice nyo it's Pay back time. Ayy mag travel travel muna pala ko hahaha joke. Sa mga kapatid ko, gayahin nyo ko huh! Maganda na Degree Holder Pa haha char. Basta mag tapos din kayo please para mabigyan na natin ng bahay sina mother and father ππ€ yun lang naman ang hiling nila satin eh. Ilove you all. Makakaahon din tayo tiwala lang and have faith with Him lang πππ Kapit lang kaya natin to π
-Sa mga co-LSM/Gel mga naging manager, frm at sa mga katrabaho ko
-- Thank you guys π salamat sa pag intindi sa ugali ko hahaha esp sa LSM Team, sa Frm ko π di nga kasi ako perfect eh sorry na. Di ko deserved maging OIC talaga eh haha sorry ✌✌ Sa mga manager sorry sa biglaang Pa EA, AWOL sorry lagi akong Late haha. Nakakahiya hayaan nyo simula ngayon di na ko mahihiya ππ charot. Sa mga ka crew kong working student din galingan nyo pa huwag kayong susuko kayo nyan! Makakaraos din kayo π
-Sa mga naging RM kong proud sakin miss ko na po kayo! Salamat sa tulong po lalo na sa ****** ko hihi π salamat sa word of wisdom nyo po ππ Salamat sa walang sawang support sakin π€ππ
-Sa mga classmates and prof ko
--Thank you po Maam and Sir kahit minsan lang akong pumasok hahaha. Thank you po di nyo ko binagsak ππππ salamat po sa pag intindi sakin. Sa mga classmates ko salamat sa pag update sakin twing absent ako hahaha.
-Sa mga nautangan ko π
--Hi! Pautang po ulit char. Hahaha salamat sa inyo malaking tulong kayo sakin. Kinakapos lang talaga hehe sorry. Pautangin nyo Pa rin ako huh! Hayaan nyo pag dating ng panahon mapapautang ko din kayo hahaha πππ€
God Bless You All πππ
-To myself π
--pwede ko naman sigurong pasalamatan ang sarili ko no? Haha. Hi self, congrats kinaya mong makapag tapos. Gusto ko lang sabihin sayo na ang galing galing mo. Bilib na bilib ako sayo ,lahat ng dumating na challenges sa buhay mo kinaya mong harapin kahit sobrang sukong suko ka na. I love you! Maging matatag ka pa huh kayanin mo pa lahat ng darating pang challenges sa buhay mo. Kaya mo yan! At kakayanin mo yan. Mag travel ka na, ayy ipon ka muna tapos travel , bili ka din ng bago mong clothes deserved mo yon, deserved mo ding mag unwind. Pwede ka na mag unwind self! π pero ipon ka nga muna haha. Proud na proud ako sayo SELF. π€πππ You did it! ππππ
PS : Sorry sobrang haba. ✌ salamat sa mag babasa ππ
"Commit to the Lord whatever you do, and your plans will succeed"
Proverbs 16:3
-To God be all the glory! ππ
Kung nakaya ko, I'm pretty sure na mas kakayanin nyo din PRAY LANG ππ
Abrogina, Jeniffer V.
BS-Office Administration
SY : 2018-2019
Metro Business College
Cum Laude sana kung nag aral ng mabuti ππ
Abrogina, Pey V.
Local Store Marketing Representative
McDonald's Airport Road
Best LSM Month of July 2016
Best Birthday Party Coordinator Month of September 2017
Best Lsm Month of October 2017
Best Birthday Party Host Month of October 2017
Best Family Fun Day Host Month of October 2017
Highest Sales Contributor Month of October 2017
Best Birthday Party Coordinator Month of November 2017
Highest Sales Contributor Month of November 2017
Highest Sales Contributor Month of December 2017
Best Lsm Month of December 2017
Crew of the Month (December 2017)
Best Performing LSM of the Year 2017 (with McDonald's medalπ
)
Best birthday party coordinator Month of January 2018
Best LSM month of February 2018
Best Lsm month of April 2018
Best Lsm month of May 2018
Best Lsm month of June 2018
CREW OF THE MONTH (JUNE 2018)
4 consecutive commendations in just 1 month (June 2018)
Best Lsm month of July 2018
Best Lsm month of September 2018
HIGHEST BIRTHDAY PARTY SALES CONTRIBUTOR MID YEAR 2018
HIGHETS LARGE FOOD ORDER CONTRIBUTOR MID YEAR 2018
Commendations month of April 2019
One philosopher said : McDo is Lifer - Pey Abrogina ππ
Sabi ko sainyo eh mas magaling ako pagdating sa work ππππππ
No comments:
Post a Comment