Mcsearch tayo

Wednesday, May 29, 2019

Pag may tiyaga, may nilaga!

SA SIPAG AT TIYAGA, MAY NILAGA.



CUNANAN, KEVIN DAVE MANIAGO
Don Honorio Ventura State University
BS Accounting Technology
First Degree

And here is my story,

Anim na taong gulang pa lamang ako ng mawala ang aking pinakamamahal na ina. Walang araw at gabi noon na palagi ko siyang hinahanap at tinatanong sa aking lola. Ang tanging sagot na lamang ng aking lola sakin ay, "panayan me mu i mama mu, atin yamu sagling pintalan". Ang tagal ko siyang hinintay sa mga panahon na iyon, pero ni anino ni mama ko walang bumalik. Mahirap para sa akin ang mawalan ng ina lalo na kung yung anak ay musmos pa lamang. Yung tipong naiinggit ako sa mga batang kasama yung mama nila na kumakain sa mga fastfood, naglalakad sa mga park kasama buong pamilya habang ako takam na takam sa aruga at pagmamahal ng isang ina.

Elementary days, heto yung mga panahong lagi akong naiiwan sa bahay kasama yung dalawa kong tito dahil kailangang maghanap buhay sina Lolo at Lola para sa aming pamilya. Dumating din yung times na stay in silang pareho para magbantay ng isang bahay. Pinagsisilbihan nila yung boss nila at kumakain sa tamang oras samantalang ako once a day lang kung kumain pero sinabi ko nalang sa sarili ko na wag akong magalit/magselos dahil para sa akin din naman yung ginagawa nila.

Lumipas ang mga panahon, marami pang mga dagok sa buhay ang aking naranasan. High school days, heto yung mga panahong naging seryoso ako sa pag aaral kahit medyo mahirap ang buhay. Dahil gusto kong makapagtapos ng pag-aaral, nagsumikap ako. 2nd year high school naging Top 1 ako sa klase. Hindi naging hadlang ang kahirapan para magpursige ako lalo sa pag aaral. 3rd year highschool napunta ako sa klase ng mga matatalino, medyo nahirapan akong mag adjust dahil marunong lahat ng mga kaklase ko. Pero di ako sumuko, kahit di ako umabot sa top 10 ang mahalaga pasado lahat ng mga grado ko. 4th year high school na nung tumigil sa trabaho sina lolo at lola ko. Dito ko napag isipan na mag working student. Sobrang nahirapan ako sa paghahanap dahil 15 palang ako non, to be honest pati yung mga nakapaskil na mga posters sa mga poste ay tinetext ko. Ang kaso di ako tumatagal kasi ayoko yung mga networking. Nagtinda nalang muna ako pansamantala ng mga gummy bears, chocolitos at stick o sa mga kaklase ko para pandagdag sa baon ko. Sobrang hirap pero nakakayanan ko kahit papaano. Dumating yung araw ng graduation ko, as expected walang handa pero masaya ako kasi nakapagtapos ako. Wala man akong nakuhang reward that time atleast naging mabuti akong anak at apo sa aking pamilya. Pero pagdating ko ng bahay sa di inaasahang panyayari meron pala silang inihanda na konting salo salo para sakin. Naiyak ako sa tuwa dahil first time akong masurprise. Niyakap ko nalang sina lolo at lola ko sabay sabing, "thank you keng egana gana, kaluguran da kayu".

May 2016, summer na. Imbis na magswimming ako at sumama sa mga barkada ko, naghanap ako ng pwedeng pagkakitaan. Nakapagpasa ako ng resume sa Mcdonald's Bayan, then kinabukasan natawagan ako para sa tinatawag nilang 'OJE'. Pero sa kasamaang palad, di ako pumasa at nakapasok sa store nila. Habang wala pa akong mahanap na trabaho, nagtinda muna ako pansamantala ng halo halo, mais con yelo at saba con yelo sa amin. Oo mahirap, dahil medyo walang masyadong bumibili sakin noon. Patuloy akong naghanap ng pwede kong pagkakitaan hanggang sa nakapagpasa ako ng resume sa Mcdonald's SM Pampanga. After few weeks tinawagan ako at ako ay natanggap.

June 13, 2016. Unang araw ko bilang working student. Medyo okay pa nung mga ilang araw. Pero lumipas mga buwan nahirapan na akong i'balance yung study at work. There are some instances that I had to brought my handouts and notes in my workplace to review for major exams while cooking patties and making gravy (na assign kasi ako as production staff), or sometimes not to sleep at all. And that’s my routine almost everyday: school-work, work-school. Naranasan ko din ang magbenta ng mga apple pies and mineral water sa mga bus. Siyempre as a marketing staff of Mcdonald's yung goal namin is magpasok ng benta sa store. Sa una nahihiya pa ako, pero hanggang sa naisip ko na wala naman akong ginagawang masama bat ako mahihiya diba?

3rd year college ako nung muntikan na akong bumagsak sa major subject namin. Nawala din yung mga scholars ko that time. Sobrang depressed ako sa mga panahong iyon. Tanging nasa isip ko lagi ay ang "life after death". Pero lumaban ako, kahit alam kong mahirap na kalaban ang depression. Buti nalang nandiyan yung mga totoong taong may concern sa akin. Lagi nilang sinasabi sakin na, "kaya mo yan, trials lang ni God sayo yan", "mipasar ka din tiwala mu", at "alam kong malakas ka, makakayanan mo lahat yan dahil naniniwala kami sa kakayahan mo". Nabuhayan ako sa mga sinabi nilang mga yun, nagkaroon ako ng tiwala sa aking sarili para malabanan yung depression. Sa bandang huli nagtagumpay ako. Nanalo ako laban sa depression.

Naging okay ang lahat hanggang sa mag 4th year college na ako. 6 subjects lang kami this school year pero madalang lang ako kung pumasok dahil nga sa trabaho. Aminado naman ako na sobrang pagod lang talaga sa trabaho kaya di na ako nakakapasok sa school. Hanggang sa dumating yung araw ng paggawa ng feasibility study namin, lalo akong nahirapan sa pagmanage ng oras ko dahil sa trabaho ko, nakiusap ako sa aming restaurant manager na kung pwede mag leave muna ako ng isang buwan, at pinayagan naman ako. Ilang araw ang makalipas, oral defense na namin. Sobrang kaba ko dahil nakakapressure yung mga panelist namin. Pero sa awa ng diyos kami ay nakapasa.

At ngayong graduating na ako sa aking first degree, nais kong magpasalamat kay God na laging nandiyan kapag ako ay nahihirapan. Sa family ko, lalo na sa aking dakilang Lolo Ponsing at Lola Baby. Kahit may edad na kayo ay patuloy niyo parin akong sinusuportahan sa aking pag aaral. Sa mga tita at tito na lagi ding nandiyan kapag wala akong baon. At syempre sa Papa Joel ko na lagi din nandiyan kapag kailangan ko ng tulong pinansiyal.

Di ko din makakalimutan yung mga taong naniwala sa aking kakayahan, lalo na sa aming mabuting Restaurant Manager na si Mrs. Deny Laine Ocampo. Maraming salamat po maam sa pag'inspire and pag motivate po sa akin kapag ako ay nada'down. Nang dahil po sa Mcdonald's nabuild po lalo yung self confidence ko. Nagagawa ko na yung nga di ko pa nagagawa dati like hosting. And sa lahat po ng mga managers sa Mcdonald's SM Pampanga at Mcdonald's Telabastagan, maraming maraming salamat din po sa pag intindi sakin kapag ako ay EL at EA.

Salamat din sa mga naging kaklase ko na always pa ring nagppm sakin kapag ako ay nalulungkot. Di ko na kayo i'memention dahil alam niyo naman kung sino lahat kayo.
Sa mga kaibigan ko sa bahay, school at work. Thank you for always making me smile kahit na sobrang nahihirapan ako.

And sa lahat ng mga tinrain ko sa Mcdonald's SM Pampanga and Mcdonald's Telabastagan lalo na yung mga working students, continue to pursue your dreams guys. Katulad nga ng lagi kong sinasabi sa inyo na, "Kung kaya ko, kaya niyo rin. ". Wag agad susuko guys, pero mas priority niyo pa din dapat yung school ah. Good luck sa susunod na school year.

Again, I am Kevin Dave "KD" Cunanan, your Guest Experience Leader and Certified Crew Trainer, saying thank you so much and god bless.

1 comment:

  1. great job! malayo ang mararating mo. push lang ng push.

    ReplyDelete