Empleyado sa Umaga, Estudyante sa Hapon, Wala pang tulog sa Gabi.
Yan, ganyan ang buhay ko bilang isang Service Crew or Guest Experience Leader slash estudyante. Yung papasok ka sa umaga sa trabaho pagkaout mo palit ng damit, ayos ng sarili pagkatapos nun estudyante ka na.
Mahirap? Oo mahirap. Yung ultimo hindi mo na alam kung paano mo hahatiin yung oras mo sa araw araw na gagawin mo. Yung dapat after duty mo ipapahinga mo nalang pero hindi mo magagawa kasi kailangan mong pumasok ng school dahil ibang laban na naman yung haharapin mo. Iba't ibang uri or klase ng tao yung makakaharap mo sa trabaho at sa paaralan. Dadating din sa point na masisigawan ka, mapapagalitan ka ng ibang customer, mapagsasabihan ka ng manager mo. Yung wala kang magawa kaya ang gagawin mo ay tatanggapin mo nalang. Yung work parang pagaaral lang din yan na may mga dapat kang iaccomplished sa bawat subjects or stations.
Ako bilang isang Marketing ng McDonald's na ang everyday routine mo ay ang pageexpedite ng pila, paghohost sa party, pagcommunity visit sa katirikan ng araw, pagbobooked ng malakihang orders ay madami din akong naranasan. Dito ko naranasang UMIYAK, TUMAWA, MAHIYA, at kung ano ano pang feelings na mararamdaman mo sa loob ng oras ng duty mo. Yung kahit may problema ka kailangan mong ngumiti at ipakita sa harap ng mga customers na OKAY ka kahit ang totoo HINDI naman. Magbibigay ka ng isang ALL OUT SERVICE sa customers para masatisfied mo sila. Yung iseserve mo yung order nila kahit ikaw gutom na gutom na pero kailangan mong tiisin yun kasi sabe nga nila CUSTOMERS FIRST. Ilan lamang yan sa mga naranasan ko bilang isang GEL sa McDonald's.
Naaalala ko dati, sabe saken bakit di ka pa nakakagraduate eh yung mga kabatch mo eh graduate na at may magaganda ng trabaho tapos ikaw ganyan padin. Masakit pero totoo. Pero naisip ko ang pagiging isang degree holder hindi naman yan minamadali. Hindi naman nasusukat yan sa kung ilang taon ka nagaral sa kolehiyo. Ang importante ay mayroon kang ipagmamalaking diploma na magpapatunay na ikaw ay isang Degree Holder. Lahat ng mga comparison na natanggap ko ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin na magaral ulit. Kaya ayun ang ginawa ko.
Bilang isang WORKING STUDENT, madaming naging hindrances kaya minsan naisip ko na tumigil nalang. Dumarating sa point na wala ka pang pambayad ng tuition fee mo kasi di tumutugma yung sahod mo sa oras ng bayaran sa school. Oo, ako yung nagpapaaral sa sarili ko kasi ayoko ng dumagdag pa sa gastusin ng mga magulang ko. Naranasan ko din na maglakad simula bahay hanggang work kasi yung natitirang pera mo eh pamasahe mo nalang papuntang school. Yung mga bagay na gusto mong mabili pero dmo magawa kasi maiisip mo na itabi mo nalang para pambayad sa school. Yung papasok ka ng walang tulog dahil sa tinatapos mo yung thesis at pinaghahandaan ang nalalapit mong defense. Pero naisip ko na kakayanin ko to. Sacrifice lang. Makakatapos din ako. And that's it! Tentenenen 🎓🎓🎓
Masaya? Oo masaya. Kasi dito ako nakabuo ng panibagong pamilya. Sila din ang isa sa mga naging dahilan para mag grow pako as individual. Sila yung kasama mo sa tawanan, kwentuhan, iyakan at kung ano ano pang kalokohan sa buhay. Ilan dito yung naging motivation ko to continue my studies na kahit mahirap pagsabayin ang pagtatrabaho at pagaaral ay nagagawa nila. Honestly, yung mga kacrew ko na gumraduate ng college ay isa sila sa nagbigay saken ng thinking na "SILA NGA NAGAWA NILA EH, EDI MAGAGAWA KO DIN". And eto nga ang naging resulta, nasuot ko din ang pinakamagandang OOTD ng buhay ko at ito ay ang ITIM na TOGA habang nagmamartsa sa harap ng madaming tao.
Kaya sa mga kapwa ko SERVICE CREW specially sa mga WORKING STUDENTS na katulad ko, GOODJOB sa inyo. Hindi biro yung mga ginagawa niyo araw araw. Tiwala lang at magagawa niyo din yan.
At ngayong araw na to, nais ko lamang magpasalamat sa mga taong naging parte ng JOURNEY ko bilang isang empleyado. Maraming salamat po sa lahat ng turo at pagmomotivate sa akin na kaya ko. To my MCDONALD'S MATALINO 193 FAMILY, I am very proud and thankful to be part of this team. To all my managers specially sa RGM ko na si Ma'am Rosalie Rojas, thankyou po sa lahat ng help and learnings na tinuro niyo po sa akin mamu. Itetreasure ko po lahat ng yon. Sa aking kapwa GELS diyan, thankyou for the help and sa respect bilang isang OIC niyo. To my CREWMATES, salamat sa inyo. For almost 3years and 3 months na nakasama ko kayo, kudos sa inyong lahat. 😘😘😘😘
Sa aking Mama and Papa, eto na po ako oh! GRADUATE na po ako. Salamat po sa lahat though dumating sa point sa nagloko ako sa school pero look. DEGREE HOLDER nako. Gusto ko po kasing maging proud kayo sa akin kaya nagpursigi po ako na makatapos ng pagaaral. To my Ninang/Madam/Cousin NESS, Salamat po sa help specially sa school finances lalo na kapag walang wala na talaga ako. I really appreciated. 💗💗💗
And sa lahat ng friends ko out there THANKYOU din sa pagmomotivate na KAYA ko at MAGAGAWA ko. Iloveyou all guys. 😘😘😘😘
FRANCISCO, JOHN GUILLER B.
Bachelor of Science in Computer Science
1002133
Class of 2019
Once again, this is GUILLER your Guest Experience Leader. "MAGTATRABAHO PERO MAGTATAPOS"
No comments:
Post a Comment