*Rise with the Fries*
“Laging Bangag, pero gragraduate <3 ”
May this testimony inspire those students that are attempting to give up at this point, or for those who already gave up their dreams, especially for those who are working students like me.
Nagtapos ako ng highschool ng walang kasiguraduhan kung makakapagcollege ako. But with the grace of the Lord may mga nakuha tayong scholarship. Nakapag aral ako ng college sa isang school, principal scholar, 100% free ang tuition, sobrang grateful ako kasi yung marketing staff na mismo ang lumapit sa school para ioffer yung scholarship nay un. May qualifications pero pinalad akong makasama sa mga qualified na yun, but then again marami pang ibang qualified and iisa lang ang available slot, until nagparaya yung iba, dalawa nalang kaming natirang ayaw bitiwan yung opportunity na yun, our advisor decided to have a draw lots, ang makakuha ng may drawing na star siya ang makakakuha ng scholarship. Alam ko at that moment na once na hindi ko nakuha yun malaki yung chance na di ako makakapag college… nung nagkabunutan na, sabi nila ang swerte ko daw kasi ako ang nakakuha ng may star which means ako ang makakkuha nung principal scholarship, but I consider it no luck nor coincidence, it is a BLESSING, it is the Lord’s plan.
To cut the story short, with the grace of the Lord nakapagcollege ako. Dito ko naranasan lahat ng sakit when it terms of academic, I am not bragging this pero nung elementary kasi consistent honor student po tayo and grumaduate tayo ng Salutatorian, at nung highschool po ay galing tayong Special Science class (I am telling this para maintindihan nyo yung sakit nung pagbagsak ko) pagtapak ko ng college dun ko naranasan bumagsak sa tests ng super sagad na bagsak, nagkaron ako ng score na 10/80, 2/50, 26/100. Just imagine kung gano ako kahirap nag cope up sa mg scores nay an, dun ko narealize di ko pala talaga alam yung kurso na pinasok ko (So shout out sa mga magcocollege palang din, make sure alam niyo kung ano yung pinapasok nyong kurso, and it is very important na mahal niyo yung kukunin nyong kurso, or else…) Pero shempre uso naman satin ang salitang “BABAWI AKO”. Shempre lalaban parin diba? Hindi pwede yung sususko tayo agad. Babagsak pero tatayo ulit. Madadapa pero magpapatuloy.
Pero dumating ako sa point na sabay sabay na major subjects ang naibagsak ko, take note SUBJECTS na mismo hindi lang quizzes or exams. Masakit pa sa break up (kahit di ko alam kung anong feeling nun) pero dude sobrang sakit. Mapapatanong ka nalang kung “Para sakin ba to?” “Tama pa ba tong pinapasok ko?” “Ipaglalaban ko pa ba?”.
Gasgas man na linya pero, everything happens for a reason. Sometimes God will allow us to experience the pain in order for us to be stronger.
At dumating sa punto na nawala na scholarship ko, sabi ko kay Lord, “Lord hindi ko naiintindihan. Alam kong binigay niyo tong scholarship na to pero bakit mawawala? Bakit parang binabawi niyo na?” , Iyak ako ng iyak kay Lord, tanong ako ng tanong bakit ganto? Pano na ako?. At that moment hindi ko na alam kung pano ako makakapagpatuloy sa pag aaral knowing na wala na yung scholarship ko.
Minsan dumarating sa point na merong mawawala satin, merong babawiin, pero hey take heart kasi diba pag may mawawala may papalit? Baka kaya kinuha sayo Ni Lord kasi may ipapalit siyang greater oppoprtunity? Parang sa flashdrive, kelangan may madelete para magkasya yung mas malaking file.
Nawala yung scholarship ko but God gave me a greater opportunity. Binigay Niya sakin ang opportunity na makapag work habang nag aaral. Pero kelangan kong magtransfer ng school, siguro mas masakit to sa mga pagbagsak ko sa quizzes, sa exams at sa mga subjects ko. Pinangarap ko kasi talaga na makagraduate sa school na yun, at andun na yung mga tinuring kong bestfriends ko na para ko na ring mga naging kapatid, dun ko rin natagpuan yung sense of belonging. Sobrang sakit knowing na alam mong napg iwanan ka nanga academically yet kelangan mo pang iwan yung school and most importantly yung mga bestfriends mo. Feeling ko nawala lahat sakin, walang wala na akong self confidence, ang nasa utak ko I am a failure, at feeling ko wala na akong dereksyon sa buhay.
But then again di ako pinabayaan Ni Lord. Minsan kasi may mga bagay Siyang kukunin satin, or mawawala halos lahat satin para dumepende tayo sakanya. Minsan kailangan natin igive up yung sarili nating pangarap kasi mas greater yung linaan Niyang pangarap para satin, hindi masusunod yung plano natin kasi the Lord’s plan will always be the best for us. Sabi nga sa JEREMIAH 29:11 “FOR I KNOW THE PLANS I HAVE FOR YOU, PLANS TO PROSPER YOU AND NOT TO HARM YOU, PLANS TO GIVE YOU HOPE AND A FUTURE.”
I became a service crew at Mcdonalds Tapuac at nagtransfer din ako ng school para mas mamanage ko yung time ko . My last two years on college is the hardest part, but indeed the best part of my college life because I saw myself growing as an individual. Yun pala yung gusto Ni Lord, na hindi lang ako mag grow sa academics pero mag grow ako wholly.
Mahirap pagsabayin ang pag aaral at pagtratrabaho. Aral sa umaga, kayod sa gabi. Kelangan maayos ang time management or else masasacrifice talaga yung pag aaral mo. Ang maximum na tulog ko is 4 to 5 hrs, max na yun, may times na 2hrs lang, Papasok ng alas syete sa school gang hapon, tapos duduty ng gabi hanggang more or less 1 AM, makaka uwi 2 AM na, mga ganong bagay. May times pa na exam pero di ka makakapagreview ng maayos kasi nakaduty ka, natry kong magmemorize ng pneumonic habang nagre-gravy. Minsan hindi maiiwasan na matutulala ka habang nasa work kasi iniisip mo yung sabay sabay na test niyo kinabukasan. May times na mashoshort ka pa, deretso salary deduct, may times na mumurahin ka pa ng ibang matapobreng customer, magkakamali ka ng konti sisigawan ka na, hindi rin maiiwasan yung ibang customers na parang ang binibili eh pagkatao mo, may times na gusto mo munang mag absent sa work pero kukulangin ang pangtuition kaya duduty nalang kahit pagod na pagod ka na. At most of the time nakakatulog sa klase (sorry po di ko po talaga sinasadyaaa Mam, Ser). May times na mag eexam ka ng hindi talaga nakakapagreview, tamang scan lang, At ang pinakamahirap yung magsasabay sabay ang pagod mo, PHYSICALLY, MENTALLY, AND EMOTIONALLY. Mahirap gampanan ng sabay sabay lahat, Studyante ka, crew ka, anak ka, ate ka, kaibigan ka at most importantly servant of God ka. Marami kang kelangan isacrifice, may times na magkakayayayaan ang barkada pero di ka makakasama kasi may duty ka, or may kelangan kang tapusin, may times na may family outing or lalabas ang buong pamilya pero di ka makakasama, or magkakayayaan ng gala pero mas kelangan mo ng tulog.
Pero kinaya ko lahat yan dahil Kay Lord. Kay Lord ako humugot ng lakas everytime na gusto ko na sumuko, and sa mga akala kong hopless situations God is always there to give me hope. Sa mga oras na akala ko di ako makaka bayad ng tuition at kinulang sweldo ko lagi Niyang pinapatunayan na He is our great provider, He even gave me the opportunity to be one of those blessed MBTF Scholars.
And now sino bang mag aakala na yung akala niyang di makakapag college, yung naranasan na mag drop ng subjects, magka singko, ma INC, at magrepeat ng subjects , namura naduro at minaliit ng mga mapagmataas na customers eh graduate na ng ACCOUNTANCY.
ALL PRAISES AND GLORY TO GOD
I just wanna share one of my life verses
ISAIAH 40:31 “ BUT THOSE WHO HOPE IN THE LORD WILL RENEW THEIR STRENGTH. THEY WILL SOAR ON WINGS LIKE EAGLES THEY WILL RUN AND NOT GROW WEARY, THEY WILL WALK AND NOT BE FAINT.”
Without Him hindi ko mararating to. Baka kung hindi ko nakilala si Lord, siguro nadepress na ako or napariwara na buhay ko.
To all students or working students out there, push lang. Meron at merong patutunguhan yang tiyaga at paghihirap niyo ngayon, tiygaan niyo pa, tapangan niyo pa sa mga challenges sa buhay, and soon your tests will be a testimony too, just don’t forget na hindi sayo ang laban na to, it is the Lord’s battle and He will fight for you, always call on Him. There will always a reason and lesson for your pain. Lagi niyong tatandaan na kapag hindi niyo na kaya wag kayong sumuko sa buhay bagkus isuko niyo sa Diyos yung buhay niyo, let Him move in your life and everything will fall into their right places.
“Many are the plans in a person’s heart, but it is the Lord’s purpose that prevails.” ~ Proverbs 19:21
Luna, Angelica O.
Bachelor of Science in Accountancy
#1stDegree
TO GOD BE ALL THE GLORY ☝️❤️
No comments:
Post a Comment