What is SERVICE CREW to you?
Naalala ko noon sabi ano daw ba ikecreative shot ko for grad pic namin, pero di ako nagdalawang isip na ito yung isuot ko kasi sobrang proud ako na isang akong working student, isang service crew. 😍
Yan, yan ang buhay naming mga service crew, sa paningin ng marami, “madali lang yan, tagapunas lang naman ng tables yan e”, “tagalinis lang naman yan”, “magkacounter lang naman yan” and ang masakit na katotohanan djan, ay may mangilan-ngilan na mababa talaga ang tingin sa aming mga service crew, madalas di maiiwasan na may mga matapobreng customer na kung umorder akala mo binili buong pagkatao mo tapos sasabihan ka ng “ayusin mo trabaho mo”, may iba pa na sasabihin na “kung di dahil sa amin di kayo susweldo”, masakit pero totoo. May mga makakasalamuha kaming customer na kung ano ano sasabihin, mga madaling mainip sa pila, yung konting magkamali kalang ipapamuka sayo na parang nakagawa ng kasalanan na apektado buong earth e, may iba na susungitan ka, may iba na sisigawan ka, tatarayan ka.
Naalala ko nung una at huling beses na umiyak ako dahil sa customer, sinigawan niya ako, halos ipahiya ako sa harap ng maraming tao, dinuro ako, sinabihan ako ng kung ano anong salita at pinahiya ako sa harap ng manager namin mismo NA ALAM KO SA SARILI KONG GINAGAWA KO NG TAMA ANG TRABAHO ko pero dahil nasa isang customer service industry ka, dapat mahaba ang pasensya mo, ang ginawa ko, humingi ng sorry sabay talikod punta sa likod, iyak, hagulgol, hagulgol ng hagulgol hanggang sa matigil, punas luha, ayos muka, tingala sabay lakad balik sa unahan, ngiti sa ibang customer at magpanggap sa harap na kunwari okay ka kahit ang totoo nasaktan ka. 💪🏻
Ganyan kami, dahil iyan ang trabaho naming mga service crew. Para sa kaalaman ng lahat ang pagiging service crew ay hindi madaling trabaho, yung araw araw papasok ka, haharap ka sa iba’t-ibang customer, ngingiti, makikipagusap, aalayan mo ng magandang serbisyo para masatisfy mo sila kahit sa araw araw na routine ng buhay mo paulit-ulit nalang, pagod ka na, minsan puyat, yung minsan pa nga kahit wala kang tulog wala e kailangan pumasok sa trabaho, yung kahit ikaw di pa nakain pero sige okay lang trabaho pa rin dapat, para kumita ng pera.
Tulad ko, na nagdaan bilang isang working student, saksi at danas ko ang hirap ng pagiging isang service crew lalo that time na graduating student ako, school, work, school, work. Yung kapirasong tulog nalang yung meron ka kasi may klase ka, may duty ka tapos may thesis ka pa pero laban lang, sabi ko sa sarili ko “Laban lang, gusto ko tong ginagawa ko!” 💪🏻
Pwede akong magresign kasi napapaaral naman ako ng magulang ko ng maayos, binibigyan ako ng baon sa school araw-araw, pero mas pinili ko pa rin ang manatili, dahil gusto ko tong trabahong to hindi para sa sweldo kundi dahil sa mga taong bumubuo nito. Dahil dito, sa trabahong ito nakabuo ako ng panibagong pamilya, panibagong pamilya na nakakasama mo sa long line man o petiks na trabaho lang. HAHAHA! Dito napagtanto ko na ang bawat tao may kanya-kanyang kwento, may kanya-kanyang dahilan bat nila naisipang magtrabaho dito, karamihan sa mga katrabaho ko lahat mga teenagers palang, mga working student tulad ko at may mga tumigil sa pagaaral para magtrabaho makatulong lang sa pamilya. At doon, doon ko naisip kung gaano kahalaga at kahirap tong trabahong to. Lingid sa kaalaman ng marami na may mga taong isasakripisyo ang pansariling kagustuhan makatulong lang sa pamilya nila lalo’t higit sa lahat ay menor de edad palang ang mga ito.
Dito, dito ko naappreciate ang mga service crew, yung hirap na ginagawa nila sa araw araw para lang kumita ng pera pantulong sa pamilya nila kahit di pa rin sapat, tuloy lang kahit nakakapagod na, tuloy lang. Dito ko rin narealize na masarap kumita ng pera na sariling pawis mo yung inalay mo, yung sarili mong pera yung ginamit mo para mabili yung mga bagay na gusto mo. Dahil ako personally, malaking tulong yung kinita ko dito para makatulong sa gastusin ko sa thesis ko, sa school at makatulong sa nanay ko at mga kapatid ko. 💖
Nakakapagod pero masaya. 😊❣️ Masaya dahil despite of pagod and stressful day, at the end of the day nanjan yung sama sama kayo at sabay saba magaout tapos after magout, kakain ng pares sa kanto, magfufoodtrip, kwetuhan at kung ano ano pa.
Dito, dito ko natagpuan yung pangalawang pamilyang sinasabi ko. Kahit pagod ako sa school gusto kong pumasok sa Mcdo kasi alam ko may mga taong gustong kasama ako sa duty, yung tipong papasok ako para magligalig, magingay at mangulit sa mga katrabaho mo, sa mga customer mo.
At syempre ang pinakafulfilling na moment ko bilang isang service crew ay yung makasalamuha ka ng iba’t ibang uri ng tao ❣️ may mga masungit, matapobre pero still may mga mababait naman talaga. Yung mga taong naaappreciate yung ginagawa mo. Ako bilang nagkacounter, at LSM na naghohost ng mga birthday party mapachildren’s party man o debut yan, yung makapag-alay ka ng maganda service at maappreciate nila yun ay sobrang sapat na. Lalo yung mga customer na magtethank you sa simpleng gesture na nagawa mo, yung mga customer nangingitian ka at natatandaan ang pangalan mo, sa ganun pakiramdam mo ang yung pagod at stress na naramdaman mo buong araw mapapawi kasi honestly, para sa aming mga service crew, YUNG SIMPLENG THANK YOU and SMILE ay malaking bagay na para sa amin. 😊😊
At ngayong last day ko bilang isang service crew, gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga naniwala sa akin, sa mga managers, sa mga kacrew ko, mga kateam closer ko, mga kaLSM ko, sa mga tropa ko, thank you for all the wonderful memories, Team McDonald’s Balibago, Team 583. Thank you sa pagpaparamdam sa akin ng pagmamahal ng isang pamilya. Dito naexperience ko yung may mga taong sabik sa presensya mo, na may mga taong makasama kalang masaya na sila, yung mga taong masasandalan mo kapag may problema ka, yung mga taong naappreciate kahit baliw at pabebe ka. Higit sa lahat, dito natagpuan ko ang mga taong magiging daan para mas magrow ako as a person. Thank you team! 💖❣️
At higit sa lahat nais kong sabihan ang lahat ng mga kapwa ko service crew na “KUDOS SA INYONG LAHAT! HANGA AKO SA SIPAG AT PASENSYA NINYO! MABUHAY KAYONG LAHAT!” 🙌🏻🤟🏻
Muli, para sa ating mga customer, matuto tayong iappreciate ang bawat paghihirap ng mga kapwa natin, dahil hindi natin ang alam ang pinagdadaanang hirap ng bawat isa, ang pakitunguhan sa maayos na paraan ay higit pa sa sobra sa serbisyong inaalay nila sa atin. ❤
Hannah Hernandez
Service Crew & LSM
2016-2018
No comments:
Post a Comment