Di madali ang pagiging working student dahil dito masusubok ang pagiging madiskarte mo pagdating sa paghahati mo ng oras sa trabaho at pag aaral. Dito den masusubok ang iyong pisikal na lakas kung hanggang saan kakayanin ng katawan mo ang pagod sa pang araw araw na routine na yon.
Hanggang sa dumating na ako sa point na hindi ko na sila na balance,naranasan kong makakuha ng mababang grades, dahil di ako napapasok consistently sa school dahil sa pagod napabayaan ko pag aaral ko, dun na ko nagising na, hindi ko na pala nababalance yung mga bagay na pinapahalagahan ko, hanggang sa kinailangan ko nang maghabol ng mga activities kase nga graduating student ako at hindi pwede ang may failing grades.
Nagawa kong mag AWOL (absent without leave) sa trabaho kase nga nalalapit na ang deadlines sa ibat ibang subject sa school. Sa mga ka-crew ko na na-awol-an ko sa mga managers patawarin niyo ko natulungan niyo naman ako maka graduate oh?๐
Isa ren sa mga achievements ko ay maging proud ang aking pamilya sa mga natatamo kong awards mula pa noong ako ay high school pa lamang up until now. kung hindi dahil sa tulong nila hindi ko makakamit ang lahat ng ito.
at syempre hindi lang sa school ang mararanasan mong struggle pati rin sa trabaho, dun ka talaga makaka-encounter ng ibat-ibang klase ng pag uugali meron ang tao, nanjan yung mabait, masungit, mataray, mahinahon at kung ano ano pa.
nanjan yung naranasan kong sigawan ng customer dahil sa out of stock na toy, mumurahin ka sa harap ng maraming customer, sigawan at masungitan ng mga matatanda at kung ano ano pa, pero salamat sa kanila dahil don tumibay ang loob ko sa mga ganong klase ng tao๐. well ganon talaga ang magagawa na lang naten ay makisama sa kanila.
saludo ako sa mga katrabaho ko pati sa mga service crew den na nagtagal sa ganitong industriya! sila ren ang nagturo saken ng mga dapat kong gawin kapag nakaka-encounter ako ng mga customer na may attitude, sila nagtuturo saken na maging positive at manatiling masaya sa shift kahit na ganon.๐
Di ako perpektong crew, madami din akong di nagagawang tama, but nothing's perfect right? if you did your mistake for the first time try not to make it the second or third time around.๐
Sa mga Service Crew jan na Working student na graduating din this year katulad ko mabuhay tayong lahat dahil naitawid natin ang sarili natin sa tulong ng magulang at ng pagsisikap naten!❤ We did a great job guys๐
And I know marami pang studyante na katulad ko ang nais na matupad ang kanilang pangarap kaya magsikap lang tayo, hindi pa man ito ang inaasam nating tagumpay isa naman ito sa mga hakbang upang matupad natin 'yon!❤๐
At lastly, nais kong magpasalamat sa mga kaklase ko na sumuporta at tumulong saken para sa litratong ito kung hindi dahil sa inyo wala akong picture na ganyan๐ mahal kayo ng Class President niyo na siraulo๐๐
Donna Contessa Canlas
Class President
S.Y. 2018-2019
Humanities and Social Sciences
Service Crew
McDonald's Maypajo 663
No comments:
Post a Comment